
ANG kauna-unahang McDonald’s Drive Thru ay naisipan na ilagay sa kanilang restaurant sa Sierra Vista, Arizona, na nakatayo sa Fort Huachuca military installation.
Dahil sa mahigpit na kautusan noon na ipinagbabawal sa mga militar na magsuot ng kanilang uniforme sa publiko, naging mahirap para sa mga sundalo na magpalit pa ng civilian clothes para lang makabili ng burger at spaghetti at pagkatapos ay tatakbo na muli pabalik sa kanilang base.
At si David Rich na restaurant manager noon sa McDo ay nakaisip ng isang ideya na solusyon sa problema ng mga sundalo at makatulong sa kanilang benta.
Bumutas siya ng isang dingding na nilagyan ng maliit na counter kung saan maaring makuha ng mga sundalo ang kanilang mga order nang hindi na sila bababa sa kanilang sasakyan four wheels man o motorsiklo.
The convenience and simplicity of the idea quickly caught on.
