
NALUBOG sa matinding baha ang ilang lugar sa Oriental Mindoro Partikular sa bayan ng Baco at iba pang mga lugar na malapit sa kabayanan matapos ang walang humpay na buhos ng ulan madaling araw ng Lunes dahil sa epekto ng bagyong Romina.
Hindi rin nakaligtas sa pagbaha ang Brgy. Burbuli ,Brgy. Pinagsabangan 2, Naujan at iba pang karatig na lugar na tulad ng bayan ng Baco ay dinaanan ng malalakas na buhos ng ulan.
Dahil sa malakas at walang tigil na pag-ulan sa kabundukan at kabayanan ay inaasahan na tataas pa ang tubig baha at posibleng madagdagan ang mga lugar na makaranas ng pagbaha.
