
NASAMPAHAN ng kauna-unahang impeachment complaint si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na isinumite ni Atty. Andre De Jesus sa tanggapan ni House Secretary General Cheloy Garafil ngayong umaga.
Ang naturang complaint ay inendorso ni Deputy Minority Leader at Pusong Pinoy paty-list Rep. Jernie Nisay kung saan nakasaad sa isinampang reklamo ang iba’t ibang isyu na ibinibintang sa pangulo kabilang na rito ang mga sumusunod : Betrayal of public trust, culpable violation of the constitution, allegedly being a drug addict, alleged failure to veto unprogrammed appropriations and other unconstitutional provisions in the General Appropriations Acts (GAA) for 2023, 2024, 2025 and 2026 and graft and corruption.
Ang naturang impeachment complaint ay daraan sa isang masusing proseso at sasailalim sa beripikasyon sa kamara at agad na ipadadala sa Speaker of the House Rep. Faustino ” Bojie” Dy III upang mabigyang aksyon alinsunod sa isinasaad ng ating konstitusyon at proseso sa Mababang Kapulungan ukol sa nabanggit na reklamo.
Matapos ang proseso sa tanggapan ng House Speaker ay iaakyat na ito sa plenaryo upang ipasa sa house committee on justice at doon matalakay ang nilalaman ng nabanggit na complaint.
