
HINDI lang well funded…sistematiko, organisado…at higit sa lahat ay all out ang demolition job laban kay vice president Inday Sara Duterte.
Kung noong nakakaraan ay medyo pino pa at idinadaan sa legal na diskarte ang pamamaraan para siya ay alisin sa landas ng mga tutol na mabalik pa sa pwesto ang Duterte…ngayon ay lantaran na at talagang pakapalan na ng mukha.
Bukod kasi sa ginagawang pulutan ang pangalan ni VP sa social media na laman ng napakaraming posts na ang content ay mga hindi naman kapani-paniwalang mga paninira para paunti-unti ay malason ang mga tao na may makikitid at mahihinang utak na talagang target nila para paniwalain sa kanilang maruming ipinipinta sa bise presidente, para sa kanila ay mabisang paraan din ito para mailihis ang tunay na makapal na isyu ngayon at ito ay walang iba kundi ang flood control projects anomalies.
Kung hindi kupitera ng confidential funds ay sangkot sa over pricing ng mga kagamitan na binibili ng kanyang tanggapan hindi lamang sa deped noon kundi maging sa tanggapan ng vice prersident.
Kung hindi cash envelopes scandal ay pinagpapaliwanag sa umano’y unexplained wealth, kung hindi tungkol pagkakasangkot sa death squad killings ay abusera daw naman sa kanyang tungkulin.
At kung hindi may tililing…ay dapat na umanong patalsikin sa kanyang puwesto dahil siya ay ambisyosa at gustong maging presidente agad.
Unang una, mismong si Sen. Imee Marcos ang nagsabi noon na na baka hindi naging presidente ngayon si PBBM kung nagdesisyon lang si VP Inday na tumakbo noong 2022 bilang kandidato na pangulo dahil noong sinadya niya sa Davao ang kaibigan ay gusto lamang niyang makiusap para gawing bise ni Inday ang kanyang kapatid.
Pero dahil ayaw talaga ni Inday tumakbo ay pinilit nila ito dahil talagang matunug na matunog na ang pangalan ni VP Inday bilang susunod na pangulo dahil sa napakahusay na ginawa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ating bansa.
Hanggang sa pumayag na lamang ito na maging bise at ang patakbuhin ay si PBBM.
At ang sumunod ay talaga naman pong…HISTORY!!!
Ang inaasahan ng mga pinoy ay naging abnoy at kabaligtaran ng mga ipinangako sa ayaw at sa gusto ni VP dahil kahit siya ay hindi na niya nakontrol ang mga pangyayari.
At ang sumunod na mga buwan ay naging napakasikip para kay VP Inday.
Nagsulputan ang kung anu-anong paninira at pinagtulung-tulungan siya ng iba’t ibang grupo para durugin.
Para siyang supremo ng katipunan na isa-isang tinatanggalan ng mga kaalyado.
Pinondohan ang pagbanat at panggigipit sa kanya at halos hindi na siya makahinga at ang kanyang pamilya dahil sa mga kabi-kabilang suntok sa hindi niya malamang dahilan…na sa huli na lamang niya naunawaan kung ano talaga.
At matapos na malusutan ang malupit na impeachment case na ikinasa laban sa kanya…eto at si Inday ay nakatindig pa rin at nakangiti.
Naghihintay sa susunod na impeachment case na ipinananakot ulit laban sa kanya.
Kung noon ay umuubra ang old school na sistema ng mga paninira ay hindi na po uso yan ngayon.
Kasi kokonti na lang ang mga bobo at tanga na pilipino.
At kung mayron man ay nasa panig aniya ang mga yan ng kabilang parlor.
At ngayon nagsusulputan na naman ang iba’t ibang paninira at banat para kay VP Inday…ang tanong natin sa kanila ay kaya nyo pa ba?
Group effort na at matatapos na ang 2025…kaya nyo pa ba?
Hindi pa ba kayo nadadala?
Hindi nyo ba naiisip na kung epektibo ang ginagawa ninyo…dapat ay matagal nang nakakulong o napatalsik sa kanyang puwesto si VP Inday dahil ang kanyang tatay ay matagal-tagal na rin na naibiyahe sa The Hague.
Sa halip na bumagsak ay lalo lang tumataas ang kanyang trust at satisfactory rating.
Wala na ba kayong mas matindi pang mailalabas na black propaganda?
Kaya n’yo pa ba?
Tsk Tsk kawawa naman kayo!
