

‘Olsen’s Day’ ang pelikulang tatalakay sa buhay ng mag-amang Romnick Sarmenta at Khalil Ramos mula sa direksyon ni JP Habac.
Isa ito sa mga official entry sa full-length film category ng Puregold CinePanalo Film Festival 2025 na gaganapin sa Gateway Cineplex 18 simula Marso 14-25.
Tatalakayin sa pelikula ang pagmu-move on at pag-abot sa mga bagay na hindi na kayang mangyari pa. Ito ay tungkol sa pag-aalala sa unang pagkikita sa pag-ibig at pagkawala, pagtuklas ng bagong layunin para mabuhay.
Kasama rin sa pelikula ang batang aktor na si Xander Nuda na may mahalagang papel, gayundin sina Sherry Lara, Nour Hooshmand, Che Ramos, at Bodjie Pascua.
Akmang-akma ang kuwento ng ‘Olsen’s Day’ sa tema ng festival, ‘Mga Kwentong Panalo ng Buhay’.
Iikot ang kuwento ukol sa isang 30-year-old researcher na nakatagpo ang isang matandang lalaki at anak nito sa isang paglalakbay.
Habang kasama ang matandang lalaki, nagkaroon sila ng kakaibang ‘family’ adventure tulad ng maraming stop over, kuwentuhan, pakikinig ng musika, pagkain, at pagtatalo. Hindi namalayan ng stranger na naisa-alang-alang niya ang kanyang trabaho.
Nawawala ang package na dapat niyang dalhin sa Manila. Kaya naman nagdesisyun itong bumalik sa ospital na pinagdalhan sa matandang lalaki at anak sa paniniwalang baka nabitbit ng mga iyon ang hinahanap niyang package. Hindi niya alam na ang pagtungo niya sa naturang lugar ang magiging daan para mabuksan o malaman ang isang katotohanan ukol sa kanyang buhay.
“Hindi kami masyadong close ng tatay ko pero alam naming dalawa sa puso namin na may kakaibang ugnayan kami. Nawala siya noong January 2012. First major heartache ko iyon. Kailangan kong mapuntahan. Kinailangan kong tumakas. Kinailangan kong mag-move on,” kuwento ni Olsen.
Tinatalakay sa ‘Olsen’s Day’ ang ugnayan ng pamilya at ugnayang hindi namamatay sa kuwento ng mag-ama na magdadala sa dulo pabalik sa simula. Layunin nitong ibahagi ang kahalagahan ng pamilya, ng paggugol ng oras, at pagsasayang ng mga sandali, at pag-alala kung ano ang mahalaga sa araw-araw.
Isinulat nina JP Habac at Kristin Barrameda, ang ‘Olsen’s Day’ ay isang Coming-of-Age Comedy-Drama. Ito ang pagbabalik sa big screen ni Khalil Ramos, na ang huling pelikulang ginawa ay ang ‘GomBurZa’ noong 2023 na gumanap bilang si Jose Rizal.
* * * * * * *
Mainit na pinag-usapan sa social media ang mapangahas na karakter ni Andrea Brillantes sa bagong yugto ng ‘FPJ’s Batang Quiapo’, kung saan nakakuha ng tatlong milyong views sa loob lamang ng 24 oras ang mapusok na eksenang nakasuot siya ng sexy dress habang nakikipaghalikan sa karakter ni Jake Cuenca.
Singtindi ng aksyon sa hit Kapamilya teleserye ang tapang ni Andrea sa desisyon niyang sumabak sa isang palaban na karakter, na aniya’y malayong-malayo sa mga papel na ginampanan niya noon.
“Mas daring siya compared sa iba kong mga role. Mas level-up siya and mature. Personal decision ko na gawin ‘to. This is my first time doing something na physically intimate. This is a new path for me and alam ko naman na aalagaan ako dito sa ‘Batang Quiapo,’” sabi ng aktres sa isang interview with TV Patrol.
Patok din sa mga manonood ang unang pasilip sa magarbong buhay ng mga yayamaning karakter nina Angel Aquino, Albert Martinez, Dante Rivero, Chanda Romero, at Celia Rodriguez.
Na-iintriga ngayon ang netizens kung ano nga ba ang magiging papel ng mga bagong karakter sa buhay ni Tanggol (Coco Martin), lalo na’t nagsisismula na ito ng bagong buhay bilang tagapagmana ng mga kayamanan ng pamilya Montenegro.
Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’, na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live. Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para makanood sa TV5 at A2Z. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Para makakuha ng updates sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’, bisitahin ang batangquiapo.abs-cbn.com. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.
‘Yun na!
