
.

Ang tradisyunal na taunang kumpetisyon sa pagitan ng Chula at Pakpao ay hindi lamang nagbibigay ng excitement sa mga mamamayan ng Thailand na tumatangkilik dito kundi naging pang-akit din sa mga turista ang nakakamanghang Thai kite-flying festival.
Sa mga nakalipas na pagdaraos ng event na ito na isang professional sport din sa Thailand, tumatagal hanggang dalawang buwan ang paligsahan na ginaganap tuwing hapon sa buwan ng Marso at Abril kung kailan ang malakas at kalmadong hangin ay napakalamig at kayang magpasayaw at magpatayog sa mga saranggola na kalahok.

