
SA gitna ng mga kontrobersya at kabi-kabilang pagtuligsa at mga pag-atake sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa panahong ito na ang mga mata ng mga mga mamayang pilipino ay sa kanila nakatuon at nakabantay, nananatili naman na matibay at matatag ang liderato ni House Speaker Faustino ” Bojie ” Dy III.
Kasunod ng maingay na pagbubulgar ng iba’t ibang isyu ni Batangas District 1 Representative Leandro Leviste na may kaugnayan pa rin sa isyu ng maanomalyang flood control projects at mga diumano’y personal na pakinabang na tinatanggap ng karamihan sa mga kongresista kabilang na ang binanggit nito na 2 milyong christmas bonus at iba pa, biglang umusok ang isyu tungkol sa umano’y napipintong kudeta sa liderato ng Kamara.
Si Dy III na naluklok bilang kapalit ni dating House Speaker Martin Romualdez na nagbitiw sa kanyang posisyon noong Setyembre ng nakalipas na taon bilang pinuno ng Mababang Kapulungan ay nasa bingit umano ng pagpapatalsik sa kanyang posisyon na wala namang eksakto at malinaw na dahilan.
Agad namang pinasinungalingan ang ‘tsismis’ na ito ng kanyang kaalyado at kapwa Kongresista na si House Deputy Majority Leader Zia Alonto Adiong.
Batay sa ulat, nilinaw ni Adiong na maayos umano ang style ng pamumuno ni Dy III kung kaya’t malayo sa katotohanan ang kumalat na isyu tungkol sa posibleng kudeta laban dito at tuluy-tuloy lang ang mga ginagawa niya na reporma at modernization sa Kamara sa layunin niya na maibalik ang tiwala ng taumbayan sa kanilang hanay.
Isa sa isinusulong ngayon ni Dy III ay ang pag-shift sa paperless system at pag-adopt sa blockchain technology simula sa taong 2026 upang palakasin pa ang public trust at transparency sa budget
