byRONALD RAFER
Nagmurahan, nagtalakan at nagsumbatan daw si aktor at ang kanyang manager kamakailan. Aburido si aktor nowadays at walang ginagawa kaya naisipan nitong puntahan ang manager nya at kausapin.
Tinanong daw nito ang manager kung may nakalaang trabaho sa kanya. Halos lahat daw ng mga artista sa network na kinabibilangan nito ay may mga trabaho pero siya ay nganga. Ano raw ba ang plano ni manager sa kanya.
Wala raw maisagot si manager kung hindi maghintay lang . Nagpanting daw si aktor at sumigaw ito.
“Yan lang ang sasabihin mo? Maghintay? Eh halos more than a year na akong walang trabaho, ah! I’mbes na sagutin mo ako ng ganyan, kumilos ka! Hindi yang nasa bahay ka lang , nakahilata sa kama mo at naghihintay ng grasya! Anong klaseng manager ka?!” sey daw diumano ni aktor.
“Buti pa maghiwalay na lang tayo kung ganyan ka! Ayoko na! Maghahanap ako ng legit na talent manager na may magagawa at mabibigyan ako ng trabaho!” dagdag pa raw na sey nito.
Sumagot naman daw si manager ng; “Kung ayaw mo na, ayoko na rin!”
Sabehhhh!
Ayan after nun hiwalay na nga ang dalawa. Sa ngayon ay freelance muna si aktor habang naghahanap pa ng bagong manager.
Ang clue?
Naku, kontroversial si aktor dahil sa Isang kontrobersyal na pangyayari sa lovelife niya.
Yun na!!!
END