


Ang presensya ni Luka Doncic sa Los Angeles Lakers ay walang nagawa at ang Utah Jazz ay naglaro ng parang may taglay na himala at tinambakan ng 25 puntos ang tropa ni Lebron James bago tuluyang pinadapa sa iskor na 131-119.sa Delta Center, SalT Lake City.
Matapos ang mainit na pagpapalitan ng basket at kalamangan sa first quarter ay bahagyang kumawala ang Jazz sa pagbubukas ng second quarter upang maitala ang pitong puntos na kalamangan, 37-30, subalit naagaw ng Lakers ang kalamangan patungo sa kalagitnaan ng quarter sa kanilang isinabog na 9-0 run upang kunin ang trangko, 39-37 bago bumalikwas muli ang Jazz at tinapos ang yugto sa 64-56 pabor sa Utah.
Ang third quarter ay naging isang napakalaking bangungot para sa Lakers dahil makaraang makadikit sa limang puntos na pagitan,74-69, pinangunahan ng may mainit na kamay na si Jordan Clarkson ang pagpaparatsa sa mainit na opensa ng Jazz upang tabunan ang dilawan matapos silang matambakan ng dalawampu’t limang puntos .98-73 may 2:18 pa sa orasan.
Ang huling quarter ay naging isang nakakabagot na panoorin sa masamang laro ng Lakers at mabilis at epektibong opensa ng binubuwenas na Utah Jazz na tinapos ang laro sa 131-119 na panalo.
Pinangunahan ng best player of the game na si Lauri Markkanen ang Jazz sa kanyang naiukit na 32 puntos