
NAKATAKDANG makasagupa ni pinay tennis star Alexandra “Alex” Eala ang World No.50 na si Magda Linette sa Round of 32 ng Miami Open 2026 sa Hard Rock Stadium sa Miami Gardens, Florida.
Habang ang lahat ay umaasa sa rematch sa pagitan nina Iga Swiatek at Eala matapos na talunin niya si Siegemund sa Round of 64, nakapagtala ng isang nakakabiglang upset Linnete at umusad sa susunod na round.
Naikasa ang muling paghaharap nina Eala at Linette matapos na magwagi ang una sa isang three-set thriller kontra sa 38-anyos na si Laura Siegemund ng Germany na isang 3-time Grand Slam Champion, 6-7(6), 6-3, 6-3 upang makausad sa ikatlong round ng torneo habang isang malupit na panalo naman ang nagawa ni Linnete matapos na patalsikin nito ang dating kampeon at No. 2 seed na si Iga Swiatek 1-6, 7-5, 6-3 nitong Huwebes ng gabi.
Sina Eala at Linnete ay parehong dumaan sa mabibigat na laban kung saan mahigit tatlong oras ang kinailangan ng pinay upang dispatsahin si Siegemund habang si Linnete ay nilamay din ang tatlong set na bakbanan kontra Swiatek kung saan ay nadungisan din ang mahabang 73 sunud-sunod na panalo sa opening round matches WTA Tour.
Inaasahan na magiging matindi ang aksyon sa kanilang muling pagtutuos upang makausad sa susunod na mas mabigat na yugto ng torneo sa Round of 16.
Matatandaan na sa kanilang laban noong nakaraang taon ay tinalo ni Linnete sa first round sa pamamagitan ng straight sets si Eala sa Lexus Nottingham Open at gayundin sa Abu Dhabi noong 2024 bago binawian naman siya ng pinay tennis star sa ASB Classic sa Auckland, 6-3, 6-2 nitong nakaraang Enero upang makapasok sa semifinal round.
