

Marami ang natuwa sa pambihirang pagsasama nina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre sa isang project.May mga humuhula nang magiging grand event of the year ito. Kaso, ang ini-expect ng mga fan ay isang movie o kaya’y serye kung saan magpapasiklaban sila sa akting.Ang naturang proyekto pala ay para sa isang shampoo commercial kung saan ang magiging comparison ay kung sino ang nagtataglay sa kanila ng healthier, shinier at more bouncy hair.
Anyway, may nagtweet sa akin na bubuwit na ang balak daw talaga ng nasabing brand noong kina-conceptualize pa lang ang proyekto ay kasama sa cast si Liza Soberano.Kaso, hindi raw ito nag-materialize sa kung anong kadahilanan.Maybe because, nagkaroon ng change of heart ang brand o di kaya’y hindi sila nagkasundo sa negosasyon pa lang ng kampo ni Soberano.
Kung kasama nga naman si Liza sa equation, bongga dahil kumpleto na ang tropa at troika.Sina Kathryn, Liza at Nadine kasi ay masasabing namayagpag dahil sa naging asosasyon nila noon sa mga tambalang KathNiel, LizQuen at JaDine.Kung natuloy ito, di ba wagi ang tagline na “Mirror, Mirror on the wall, who’s the fairest of them all?”Speaking of Liza, kahit laglag naman siya sa liga o kapatiran nina Kathryn at Nadine, may bago na namang aabangan sa kanya.Kasama siya sa seryeng ” Can I Come In?”, isang cinematic therapy project na follow up niya after” Liza Frankenstein. “
