

MATINDING ‘cooking show’ ang nangyari hindi lamang sa mga laro ng Gilas Pilipinas men’s at women’s basketball team sa 33rd Southeast Asian Games sa Bangkok Thailand lalo at higit sa boxing event kung saan ayon sa ating mga kababayan ay sadyang naging lantaran ang ‘lutuan’ at kung dikit lang ang laban ay tiyak na talo ang pinoy at pinay boxers sa kanilang mga katunggali dahil siguradong papanig ang mga hurado sa sinumang kalaban nila partikular kung atleta ng host country.
Ang kaisa-isang gintong medalya na nakuha ng Philippine boxing team sa nakalipas na SEA Games kung saan tanging ang pambato natin na si Eumir Marcial ang kaisa-isa na nakapag-uwi ng gintong medalya sa kabila ng mainit na simula ng ating mga matitinding boxers.
Ang two-time olympic medalis na si Nesthy Petecio ay nagkasya na lamang sa bronze medal matapos na ideklarong bigo sa kanyang semifinal round match sa isang Indonesian boxer habang si Aira Villegas na isa ring Olympian kasama ang dalawa pang boxers natin ay kapwa mga nabigo sa kanilang gold medal match.
Sa 17 gold medals na nakataya sa boxing event, 14 na ginto ang natangay ng Thailand boxers at isa ito sa lalo lang nagpalinaw sa kanilang ginawang ‘milagro’ sa nabanggit na event.
Kung sa men’s at women’s basketball finals na kapwa mga koponan ng Thailand ang nakaharap ng ating Gilas cagers, at harap-harapan ang ginawang pagluto sa dalawang magkahiwalay na laro na tinampukan pa ng walang tigil na pagsigaw ng mga pinoy fans ng COOKING SHOW, wala namang nagawa at kapwa yumukod ang pambansang koponan ng Thailand sa Gilas Pilipinas dahil na rin sa kanilang mahinang mga players na sagana lamang umano sa trash talking at kayabangan.
Dahil sa hindi magandang naging karanasan sa boxing event sa SEA games, plano ngayon ng Philippine boxing federation na gumawa ng mga hakbang o aksyon upang mabigyan ng pansin ng mga kinauukulan ang pangyayaring ito.
Balak umano ng Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) na lumiham sa World Boxing kaugnay sa kanilang duda na may naganap na iregularidad sa naturang katatapos lamang na kompetisyon.
Ang mga pinoy at pinay boxers ay mga boksingero na may husay at kalidad at katunayan at tayo ang isa sa pinakamatigas sa larong boxing hindi lamang sa SEA games kundi maging sa Asian Games at pumapalag na rin sa Olympics.
Ayon kay ABAP secretary general Marcus Manalo, habang kasalukuyang ginaganap ang naturang event sa Thailand ay nakikipag-usap na sila sa mga Thai at Asian boxing officials na namamahala sa paligsahan subali’t sinasabi lamang umano ng mga ito na parehas naman daw umano ang judgement at walang anumang nangyayaring kalokohan tungkol sa mga laban.
Kahit ang mga pinoy na nanonood sa venue ay sumasigaw na lamang ng mandaraya ang Thailand kapag talagang nakikita nila na lamang ang pinoy boxers at pagkatapos ay bigla na lamang iaanunsyo na ang kalabn nila ang nagwagi.
Kapag hindi naman Thailander ang kalaban sa semis pero ang waiting sa finals ay thais ay halata rin na kakampihan at pipilitin na papanalunin ng mga judges ang kalaban ng pinoy.
Samantala, ang 33rd SEA Games ay sinasabing tinampukan ng mga mahuhusay na atletang mga babae na nakapag-uwi ng mga pinakamahahalagang gold medals mula sa mga pangunahing sports event sa biennial meet.
Ilan dito ay sina Alexandra Eala sa tennis, Agatha Wong sa Wushu, Kyla Sanchez sa swimming, Kimberly Ann Custodio sa jiujitsu, Aleah Finnegan gymnastics, Tachiana Mangin taekwondo, Mazel Paris Alegado Skateboard, Elreen Ando weightlifting, Naomi Marjorie Cesar athletics, Gilas Pilipinas women’s basketball team, Philippine women’s football, Phl Beach Volleyball Team atbp.




