


Isang kuwento ng pangungulila, pagluluksa, at kapangyarihan ng pag-ibig sa gitna ng mga komplikasyon ng buhay–ito ang kuwento ng ‘Si Sol at si Luna’ na handog ng Puregold Channel, isang mapangahas na digital na serye, tampok sina Zaijian Jaranilla at Jane Oineza. Magsisimula na sa Mayo 31, Sabado, ipinapangako ng palabas ang isang mahusay na naratibo na ikinuwento gamit ang mga kaakit-akit na biswal na hindi pa nakikita kailanman sa digital entertainment.
Mapapanood na sa Puregold Channel sa YouTube, ang unang episode ng serye na pinamagatang “Babae sa Bus” at sumusunod sa tauhang ginagampanan ni Jaranilla na si Sol, habang gumagawa siya ng pelikula tungkol sa pag-ibig. Dito, hinaharap ni Sol ang hamong ibinigay ng kanyang propesor: gumawa ng isang dokumentaryo tungkol sa isang bagay na hindi pa niya nararanasan.
Ang tila imposibleng gawaing ito ang nagtutulak kay Sol patungo sa tahimik na pagdurusa ni Luna, na ginagampanan ni Oineza, at sa matatagpuan ng dalawang nawawalang karakter sa isa’t isa.
Sa direksyon ng kilalang direktor na si Dolly Dulu, tampok sa Si Sol at si Luna ang makapangyarihang pagganap nina Jaranilla at Oineza na nagpapamalas ng lawak at galing nila bilang mga aktor.
Kilala ang Puregold Channel sa mga kuwentong hindi lamang nagiging viral kundi maganda at mahusay ang mga naratibo Sa pagkakataong ito, handog naman ng Puregold ang pinagsamang kaakit-akit na cinematography sa digital na mundo.
Ibinahagi ni Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold, kung paanong tumataas ang antas ng seryeng ito kompara sa mga naunang handog ng Puregold. “Isa itong makasaysayang sandali para sa Filipino entertainment—isang bagong yugto sa pangako ng Puregold na maghatid ng mga kuwento na tunay na tumatagos sa puso ng mga Pilipino. Ang unang episode ng Si Sol at si Luna ay tiyak na magdadala ng kakaibang karanasan sa isang platapormang libre at madaling mapanood ng lahat.”
Kasama nina Jaranilla at Oineza sa serye ang mahuhusay na artista na sina Joao Constancia, Karina Bautista, Cheena Crab, Marnie Lapus, Uzziel Delamide, Lyle Viray, Vaughn Piczon, Jem Manicad, at Atasha Franco.
Huwag palampasin ang bawat episode ng Si Sol at si Luna, mapapanood tuwing Sabado sa Puregold Channel sa YouTube. Ang kahanga-hangang cinematography nito, tapat na diyalogo, at isang kuwentong pag-ibig ay tiyak na kokompleto sa inyong Sabado.
Mag-subscribe na sa Puregold Channel sa YouTube, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at X, at @puregoldph sa TikTok para sa iba pang updates.
