

WALA pa ring puwedeng pumalit kay Marian Rivera bilang tinaguriang Primetime Queen ng GMA-7, dahil kung ilang buwan man siyang walang pinagbibidahang teleserye ay hindi nawawalan ng plano ang Kapuso Network para sa magandang aktres. Sa katunayan, isa sa mga planong teleserye pa sa kanya ay isang tipong revenge drama.
Hindi na kasi kailangan ni Marian na sobrang magtrabaho ng hataw sa showbiz. Big stsr na siya. Wala na siyang dapat patunayan, lalo pa’t nakagawa siya ng marka noon 2023, kung saan naging top grosser ang pelikulang “Rewind” nila ni Dingdong Dantes, kaya ilang ulit silang naparangalan bilang Box-Office King & Queen. Naging matagumpay din ang pelikulang “Balota” ng Kapuso actress.
Reyna din si Marian bilang wife ni Dingdong at ng kanilang mga anak na sina Zia at Sixto Dantes sa kanilang tahanan. Napakasaya nilang pamilya.
Sobrang busy si Dingdong. Hindi siya nawawalan ng project. Nagtatagal sa ere ang kanyang mga programa sa Siyete. Happy si Marian na natututukan nila ni Dingdong ang pagpapalaki sa dalawa nilang amak Nagugulat siya sa bilis ng panahon, dahil si Zia ngayon ay dalagita na ang hitsura na napakaganda, at si Sixto naman ay lalong gumuguwapo.
DENNIS PADILLA, PARANG NAGMAMAKAAWA NA SA PANSIN NG KANYANG MGA ANAK.
Kaya lang, marami na rin ang hindi pumapabor sa istilo ng pagpaparamdam ni Dennis sa kanyang mga anak, na dinadaan niya sa social media at pagpapainterbyu. Sa bawat paramdam ni Dennis na hindi nabibigyan ng pansin ng kanyang mga anak ay laging kabuntot noon ay iniintriga si Marjorie sa bintang na hindi tinuruang rumespeto sa tatay nila ang kanilang mga naging anak.
Dahil sa paulit-ulit na papansin ni Dennis ay iniintriga si Julia na porke’t kumikita at maganda ang takbo ng movie career ay kinalimutan na ang tatay niyang komedyante.
Bakit hindi na lang daw manindigan si Dennis? Na kung nahihirapan siyang dumiretso ay humanap siya ng taong malapit kina Julia, bilang tagapamagitan para harap-harapan ay tahimik silang magkausap at huwag daanin sa social media!
Dapat gayahin ni Dennis sina dating Pangulong Joseph Estrada, yumaong Comedy King na si Tito Dolphy, yumaong Senator Ramon Revilla, Sr., Senator Robin Padilla at Bossing Vic Sotto. Hindi sila nagpapakita ng kahinaan sa publiko. Mga good provider sila. Hindi sila madrama. Hindi sila nagmamakaawa ng atensiyon sa mga anak. Pero nirerespeto ng mga anak nila.

