

DAHIL sa kontrobersyal at nag-trending na P500 noche buena issue na nagsimula sa naging pahayag ni Department of Trade and Industry Secretary Cris A. Roque na pinalagan ng mga mamamayang pilipino at umani ng katakut-takot na pambabatikos mula sa mga netizens, naging hamon naman ito sa butihing asawa ni Sen. Robin Padilla na si Mariel Padilla na isang celebrity host upang ipakita sa kanyang youtube vlog kung saan aabot ang halagang nabanggit na sinasabing magkakasya para sa nasabing okasyon.
Ayon kay Mariel, naging hamon para sa kanya ang tungkol sa isyung ito dahil dalawang beses umano siyang nag- gogrocery sa loob ng isang linggo at alam niyang napakataas na ng presyo ngayon ng mga bilihin.
Sa kanyang ginawang pamimili ay gumugol siya ng halagang P498 sa kanyang mga pinamil para sa noche buena kabilang na dito ang spaghetti, gulaman, macaroni salad at sweet ham na sapat para sa apat na miyembro ng isang pamilya.
āIām happy because nagawa natin. Bilang maabilidad na nanay tayo na-stretch natin. Ganyan tayong mga Pilipino, we always make things work pero may struggle. Pero I think mukha naman makakapagpasaya siya,ā wika niya
Gayunman ay sinabi ni Mariel na hindi niya kinakampihan ang DTI dahil na niniwala siya na mas deserve ng mga pinoy ang mas okey na noche buena.
