



Guest si Maris Racal sa It’s Showtime last February 5 sa segment ng ‘Tagokanta’.
Siya ang partner ng contestant para hulaan ang mystery singer.
But before that, sinabi ni Maris kay Vice Ganda na magsasalita na raw siya.
Pero, pinigilan siya ng Unkabogable Phenomenal Star.
Hindi rin napigilan TV host ang ‘Incognito’ aktres.
Aniya: “Ate, sorry hindi ako nakapag-promote,” na ikinahagalpak ng tawa ng studio audience.
Nag-apologize si Maris dahil hindi siya nakasama sa pag-promote ng MMFF 2024 entry ng movie na ‘And The Breadwinner Is’ na pinagbibidahan ni Vice. Naging topgrosser ang ATBI sa naturang film festival.
Kasama si Maris sa movie bilang kapatid ni Meme Vice.
Hindi nakapag-promote ang aktres dahil nung time na ‘yun ay nagkaroon sila ng isyu ng kapareha niyang si Anthony Jennings at ng ex girlfriend ng huli na si Jam Villanueva.
Anyway, may sinabi rin si Meme Vice kay Maris.
“Huwag kang mag-alala, wala kang bonus.”
Napasaya ni Maris ang partner niya sa ‘Tagokanta’ dahil natukoy niya kung sino ang mystery singer sa tatlong participants.
Si Morisette Amon ang nahulaan ng aktres.
* * * * * * *
MARTIN NIEVERA, FRONT ACT SA CONCERT NI TJ MONTERDE
Front act si Martin Nievera sa concert ni TJ Monterde sa big dome nitong nakaraang February 1, 2 and 3.
Hindi napigilan na maging emosyonal ang Concert King ng magbigay siya ng mensahe sa mister ni KZ Tandingan.
Maging si TJ ay naiyak din sa mensaheng pabatid sa kanya ni Martin. Naikwento ng Concert King kung bakit siya ang front act sa concert ni TJ.
Sinurpresa ni Martin ang mga nanood sa ikatlong gabi ng concert ni TJ.
Ani Martin, “He came out every single CD promo and started the show the way I do it right now. So I thought maybe, one day I could return the favor…”
Hindi rin mapigilang maluha ni TJ habang nakikinig sa backstage.
Nang matapos ang performance ni Martin, muli silang nagkaiyakan ni TJ sa backstage kung saan pinalakas niya lalo ang loob nito at sinabi kung gaano siya ka-proud sa narating ng singer na minsan lang nangarap na magtagumpay sa larangan ng musika.
Malapit din si Martin sa mag-asawa.
Kung matatandaan nung pandemic time kinasal si KZ kay TJ at si Martin ang tumayong ama para ihatid si KZ at iabot ang kamay kay TJ.
Hindi kasi nakadalo ang mga magulang ni KZ na nasa probinsya.
Naging popular si TJ dahil sa kanyang mga hit songs tulad ng ‘Ikaw at Ako’, ‘Puhon’, ‘Sariling Mundo’, at marami pang iba. Siya ang mister ng ‘Asia’s Soul Supreme’ na si KZ Tandingan. Matatandaang naging soundtrack ng pelikulang ‘Hello Love Again’ ang duet nilang mag-asawa sa awiting ‘Palagi’.
Sa dami ng tumangkilik sa naturang awitin, nagwagi ito bilang number one song ng 2024 sa Billboard Philippines. Tinanggap nila ni KZ ang naturang award sa ikatlong gabi ng kanyang concert kamakailan sa Araneta Coliseum.
* * * * * * *
INHERITANCE NI BARBIE HSU, PAGHAHATIAN NG ASAWA AT DALAWANG ANAK
Naging controversial ang post ng ex-husband ni Barbie ‘Shancai’ Hsu na si Wang Xiaofei na isang Chinese businessman.
Ang kanyang mensahe, “Wifey, I miss you so much. I should be the one who died.”
Agad na nag-viral ang mensahe ni Wang na nakapost sa Weibo.
Ayon sa Dimsum Daily na hindi umano naniniwala ang netizens na genuine ang pag-display ng affection ng ex-husband kay Shancai.
Komento ng netizens, “Delayed love is worth less than grass.” Others criticized him for still calling Barbie ‘Wifey’, questioning its appropriateness given his current marriage and how his wife might feel about such remarks.
Si Wang at Hsu ay nag-divorce taong 2021 at muling nagpakasal sa South Korean musician na si DJ Koo.
Bago pumanaw si Barbie ay nagpadala pa siya ng tribute sa asawang musician.
Iyun ang last post ni Shancai sa kanyang Instagram.
Samantala, DJ Koo shares final kiss to Barbie Hsu, huling respeto at paalam niya sa namayapang misis.
Ang cremation ceremony ay ginanap sa Tokyo at binahagi sa social media ng mga kaibigan ng celebrity couple.
May mga concerned netizens kung kaninong custody mapupunta ang dalawang anak ng Taiwanese actress.
Ayon sa Takungpao, some legal experts believe Wang is highly likely to be granted custody.
Kanino naman daw mapupunta ang inheritance ni Barbie Hsu na worth multi-million dollars.
Taiwanese actress Barbie Hsu’s assets are expected to be divided between her husband DJ Koo and her two children, in accordance with legal provisions, according to law experts.

