
I

Isang malaking hamon para kay Martin del Rosario ang gumanap bilang Joel sa stage play na “Anino sa Likod ng Buwan” na naging kontrobersyal noong gampanan ni Luis Alandy sa film version nito noong 2015. “Ang daming layers ng character. Na-challenged ako sa role ko bilang sundalo na akala mo mabait pero sa huli ay may ibang agenda sa pagtulong. Sobrang ganda ng role. Sobrang ganda ng materyal.It’s every actor’s dream role tapos Jun Lana pa siya,” aniya. “Sabi ko nga, ito iyong role na I would regret kapag pinalampas ko, so I feel so lucky and blessed na ako iyong napili sa role,” dugtong niya. Ito rin daw ang unang pagkakataon na sumabak siya sa teatro. “Noong una, may doubts ako kung kaya ko ba ito, kasi it’s something na hindi na ko pa nagagawa. Ibang-iba siya. Iba iyong discipline. Na-realize ko na pag teatro pala mas malaki ang acting mo para abot mo lahat ng audience mo. At iyong linyahan, iyong blocking lahat dapat kabisado mo. Para siyang take na walang cut, “pagbabahagi niya.
Hirit pa niya, bilang paghahanda raw ay pinanood niya ang movie version ng Bulwagang Gantimpala award winning play. “It’s very relevant kasi it tackles themes on politics and friendship, even on trust and betrayal na nangyayari naman talaga at makaka-relate kahit sino,” bulalas niya. Aware rin daw siya na marami silang mapangahas at makamundong eksena ng co-actor na si Elora Espano nang tanggapin niya ang nasabing role. ” More than the lustful scenes, mas na-excite ako sa complexity ng character ko. Iyong L o malisya, hindi mo na siya maiisip o mafe-feel iyon kapag umaarte ka,” esplika niya.
Thankful din daw siya dahil naging professional at collaborative si Espano sa kanilang mga maseselang eksena. ” Very respectful kami sa isa’t-isa. Sinasabi ko sa kanya na magsabi lamang siya o hawakan niya ako nang mahigpit kung hindi siya kumportable o feeling niya ay nate-take advantage siya,” sey niya. Bilang aktor, hindi rin daw siya pressured na maikumpara kay Luis sa pagganap nito sa film version ng obra ni Lana.
” No pressure on my part kasi as actors, iba-iba naman tayo ng atake, iba rin iyong space, iba lahat. Kanya-kanyang interpretation,” lahad niya. Kumpara kay Luis, mas daring naman si Martin dahil di sinasadya ay sumilip ang kanyang nota sa isang eksena nila ni Elora during the preview nito. ” Kapag kasi in character ka, hindi mo na maiisip iyon. Ako naman, nudity is no big deal para sa akin, “pagtatapos niya. Tampok din sa” Anino Sa Likod Ng Buwan” sina Elora Espano at Ross Pesigan. Kasama naman bilang understudy sina Edward Benosa, Denise Esteban at Vincent Pajara. Mula sa produksyon ng IdeaFirst Live at sa direksyon ni Tuxqs Rutaquio, mapapanood na ang acclaimed play sa PETA Theater Center mula Marso 1 hanggang 23.
For bulk buying details puwedeng kontakin si Dave Gatdula sa dave@theideafirstcompany. com o sa contact number 09218843595. Ang film version ng “Anino sa Likod ng Buwan” ay nagbigay kay LJ Reyes ng kanyang Urian Best actress award noong 2016. Nagwagi rin ito ng best director award para kay Jun Robles Lana, best actress kay Reyes, NETPAC at Fipresci awards sa Pacific Meridian International Awards sa Russia noong 2015.
