





Dekada na ang lumipas, pero ang Concert King at Concert Queen ng Pinas—Martin Nievera at Pops Fernandez—ay walang kupas! Kahit wala na silang relasyon sa totoong buhay, ang kanilang chemistry sa entablado ay winner na winner pa rin! At napatunayan ‘yan sa kanilang matagumpay at sold-out concert na ‘Always and Forever’ noong Biyernes ng gabi sa Mall of Asia Arena.
Ang isang gabing pasabog na concert na ito ay hatid ng Viva Artists Agency Live, Anna Puno’s Star Media, at DSL Productions—at isa na namang patunay na sina Martin at Pops ay nananatiling isa sa pinaka-iconic na tambalan sa music industry. Mula umpisa hanggang dulo, walang humpay ang tilian, sigawan, at nostalgic feels mula sa kanilang hardcore fans!
Walang front act. Walang special guests. Walang echosera! Basta Martin at Pops lang ang bida sa gabing ito! Binuksan nila ang show sa kantang ‘All You Need Is Love’, na agad nagpa-feel good sa audience at nagbigay ng love is in the air vibes!
“We used to own Valentine’s season,” sey ni Martin habang nagre-reminisce. “The stage became our lives… Ask your lola.”
Pero kahit na maraming throwback feels, hindi nagpakabog sina Martin at Pops sa pagpasok ng mga bagong kanta sa kanilang repertoire! Sinorpresa nila ang audience sa hugot songs tulad ng ‘Kung ‘Di Rin Lang Ikaw’ ng December Avenue at ‘Palagi’ ni TJ Monterde. May paandar din silang Lady Gaga at Bruno Mars’ ‘Die With a Smile’—na ibang level ang pagka-OA sa ganda!
Syempre, hindi papatalo ang powerful solo numbers ng dalawa! Si Martin, ginalingan nang todo sa Broadway hits tulad ng ‘Corner of the Sky’ mula sa ‘Pippin’ at ‘Defying Gravity’ mula sa ‘Wicked’. Pinakilig din niya ang crowd sa OPM classic na ‘Tell Me’, kung saan nagbiro pa siyang imbes na mag-propose ang couples sa audience, mag-break na lang daw! Hanash ni Kuya Martin n’yo.
Si Pops naman, grabe ang aura! She was blooming habang kinakanta ang kanyang signature songs tulad ng ‘Little Star’, ‘Dito’, at ang kanyang fresh Taglish single, ‘Poppin’. Walang kupas ang kanyang classy yet fierce presence sa stage!
Pero siyempre, walang tatalo sa kanilang legendary duets! Binalik nila ang mga kantang nagpatibok ng puso ng madlang pipol mula ‘Penthouse Live’—’With You, I’m Born Again’, ‘Tonight I Celebrate My Love’, ‘Never Gonna Give You Up’, ‘Perfect Combination’, ‘Almost Paradise’, at ‘Never Gonna Let You Go’. Kulang na lang, magka-movie marathon ang audience sa dami ng feels!
Bukod sa mga kanta, nagbalik-tanaw din sila sa kanilang kwento—pero this time, walang drama! Kung dati, seryosong pinag-uusapan ang kanilang past relationship, ngayon pinagtatawanan na lang nila! Ang saya lang makita silang chill at naglolokohan sa stage.
Bago kantahin ang ‘Maybe This Time’, biglang pasabog sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal sa stage! Nag-promote sila ng kanilang upcoming movie na ‘Ex Ex Lovers’—kaya naman dumagdag pa sa throwback kilig ng audience!
Isa sa mga pinaka-heartfelt moments ng concert ay ang duet nilang ‘Habang May Buhay’ na inialay nila sa kanilang apo na si Finn. Dito, tinawag nila ang isa’t isa bilang ‘Lilo Martin’ at ‘Lolly Pops’—super cute! Nagduet din sila ng ‘Both Sides Now’, na nagpakita ng malalim nilang koneksyon kahit wala na silang love team sa totoong buhay.
Sa SVIP section pa lang, mapapa-wow ka sa dami ng celebs! Present sina Bong Revilla at Lani Mercado, Vicki Belo at Hayden Kho, Toni Gonzaga at Paul Soriano, Daddy Bonoy and Mommy Pinty Gonzaga na parents ni Toni Gonzaga at Anthony Taberna at misis niyang si Roselle. Kasama rin sa audience sina Helen Gamboa kasama sila MTRCB Chairwoman Lala Sotto at ang kapatid niyang si Ciara Sotto, Annabelle Rama, Vic del Rosario, Vehnee Saturno, Joey Generoso, Vina Morales, . Iba talaga pag Concert King at Queen ang nagpaandar—lahat gusto makita sila live!
Sina Martin Nievera and Pops Fernandez ay mga legends ng industriya na walang kapantay.
Sa concert na ‘Always and Forever’, muling pinatunayan nina Martin at Pops na sila pa rin ang reyna at hari ng OPM concert scene! Hindi lang nila napuno ang MOA Arena—napuno rin nila ng pag-ibig, tawa, at nostalgia ang puso ng kanilang loyal fans.
Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang madlang pipol na baka, just maybe, balang araw… sila ulit! Pero kahit hindi ‘yun mangyari, isa lang ang sigurado: ang kanilang musika at koneksyon ay mananatiling bahagi ng kasaysayan.
Habang tumutunog ang huling nota ng kanilang concert, isang bagay lang ang maliwanag—Martin Nievera at Pops Fernandez? Walang tatalo, walang papalit, at laging panalo sa puso ng madlang pipol.
