DUMATING na sa bansa ngayong umaga ang pinay na nahatulan ng kamatayan sa bansang Indonesia na si Maryjane Veloso na bumuno ng mahigit na 14 years sa loob ng bilangguan sa nabanggit na bansa.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr, lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang sinasakyang eroplano ni Veloso dakong alas-5:40 ng umaga.
Si Veloso ay nakatakdang idiretso sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.
