
SIMPLENG emeksena ng kanyang diskarte sa buhay ang guwapong aktor, na hindi naman napansin sa showbiz dahil sa naging galing niya sa pag-arte, dahil minsan lang naman siyang nakasama sa isang teleserye at hindi na iyon nasundan pa ng ibang proyekto.
Maamong hitsura ng kaguwapuhan, pakikisama at pagiging malambing ang puhunan ni guwapong Papa, kaya siya kinagiliwan sa showbiz.
Malakas ang sex appeal ni Papa sa mga bading na hindi buking. Ilang mayayamang negosyanteng tagong bading at may mga pamilya ang nakarelasyon ng aktor-aktoran. Happy kay aktor ang mga malihim na bading, dahil maingat sa ganung sekreto ang aktor.
Dahil wala namang proyekto si aktor-aktoran, nagtaka at nagpa-imbestiga ang karelasyon niyang aktres, kung bakit maraming negosyo si Papa. Natuklasan sa pagsisiyasat, na ang mga kumikitang kabuhayan ay regalo sa kanya ng mga mayayamang tagong bading.
Ayaw ng aktres na may kahati siyang mga bading sa relasyon nila ng aktor-aktoran. Humiwalay siya kay Papa.
Iba nang aktres ang karelasyon ngayon ni aktor. Pero ang kanyang milagro ay patuloy pa rin. Pinaliligaya pa rin niya ang mga tagong bading na hanggang ngayon ay hindi niya inaamin sa showbiz.
