
NAPALUHA sa labis na tuwa si dating Quezon City mayor Herebert Bautista matapos na mapawalang sala sa Third Division ng Sandiganbayan sa kasong graft na may kaugnayan sa sinasabing pagkakadawit nito sa P25 million na halaga na naging kabayaran umano sa Cygnet Energy Power Asia Inc.para sa pagpapakabit ng solar power system at waterproofing works sa gusali na kanyang pagmamay-ari noong taong 2019
Batay sa naging desisyon ni Associate Justice Ronald Moreno, bigo umano ang prosecution na mapatunayan beyond reasonable doubt ang katotohanan sa bintang sa dating alkalde.
Gayunman, ang ex-administrator na si Aldrin Cuña na unang tinukoy na kasabwat umano ng dating alkalde ay nahatulan na guilty sa kasong graft at napatawan ng sentensiyang anim hanggang walong taon na pagkakabilanggo at bagama’t walang ipinataw na civic liability laban sa kanya, si Cuña ay diskwalipikado na para humawak ng anumang pampublikong tanggapan at hindi na rin makakatanggap ng retirement benefits para sa kanya.
Kaugnay nito ay pinagbigyan ng korte ang pansamantalang kalayaan para kay Cuña at ipinag-utos rin na doblehin nito ang P90,000 na cash bond at binibigyan siya ng korte ng limang araw upang ito ay ayusin.
Una rito, sina Cuña at dating mayor Bistek ay napatunayang guilty ng Seventh Division ng korte sa kasong graft na may kaugnayan naman sa maanomalyang P32-million automation system sa Quezon City hall kung saan kapwa sila nahatulan na mabilanggo mula anim hanggang sampung taon na pagkabilanggo at perpetual disqualification para sa paghawak ng anumang pampublikong tanggapan.
