
Mananagot sa batas ang mga employer na hindi makapagbigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado bago ang itinakdang deadline na Disyembre 24 bawat taon.
Ayon kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, ang pagbibigay ng 13th month pay ay hindi lamang legal na obligasyon kundi isang moral na tungkulin ng mga employer.
“It is not only a legal obligation but a moral duty of employers to provide for the timely payment of the 13th month pay to their employees by the deadline set by law, which is today, December 24. As a moral obligation, our workforce deserves recognition for their hard work and dedication to their jobs,” pahayag ni Estrada sa kanyang inilabas na statement noong Disyembre 24.
Binigyang-diin ni Estrada na nakasaad sa batas, partikular sa Presidential Decree No. 851, ang karapatan ng mga empleyado na makatanggap ng 13th month pay, at may kaukulang parusa para sa mga hindi susunod dito.
“Malinaw na karapatan nilang makatanggap nito sa ilalim ng Presidential Decree No. 851. Not adhering to this requirement could lead to significant legal repercussions, such as administrative penalties or criminal charges,” ani Estrada.
Hinikayat din niya ang mga employer na pangalagaan ang kapakanan ng kanilang mga empleyado ngayong holiday season bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap at dedikasyon sa trabaho.