HABANG patuloy na nakalublob sa lubhang napakataas na halaga ng mga bilihin at pangunahing mga pangangailangan ng mga pobreng pinoy, ang Department of Energy ay nag-anunsyo ng panibagong pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa Disyembre 24, bisperas ng araw ng kapaskuhan.
Posible umanong tumaas ng mula PO.35 hanggang P.70 ang presyo ng gasolina habang nasa P1.10 hanggang P1.40 ang idadagdag sa kasalukuyang presyo bawat litro ng diesel at P0.90 hanggang P1.00 ang ipapatong sa presyo bawat litro ng kerosene.
Ayon sa DOE, ang isa sa mga dahilan kung bakit may panibagong pagtaas sa halaga ng mga naturang produkto ay dahil sa patuloy na paghina ng piso na ang katumbas ngayon ng isang dlyar ay nasa P58.98 na.
Ang pagtaas na ito ng halaga ng mga produktong petrolyo ay nakita ng DOE batay sa magkakasunod na araw ng trading sa huling apat na araw.