
ISA na namang Low Pressure Area (LPA) ang namumuo sa labas ng bansa na may malaking posibilidad na maging isang ganap na bagyo sa loob ng susunod na 24 oras ang kasalukuyang binabantayan ngayon na sa kasalukuyan ay may layong 1,200 kilometro sa may dakong silangan ng Southeastern Luzon na inaasahang papasok sa bansa ngayong araw.
Sa pagpasok nito sa Philippine Area of Responsibility (PA) ay inaasahan na magdudulot ito ng mga malalakas na pag-ulan sa Southern Luzon at Visayas mula bukas, Disyembre 4, 2025 at sakaling ito ay maging isang ganap na bagyo ay tatawagin ito na tropical depression ‘WILMA’.
Nagpapatuloy naman sa Hilagang Luzon ang pag-iral ng Amihan na nagdudulot ng malamig na hangin at makulimlim na ulap habang patuloy din ang thunderstorms at mga pag-ulan sa katimugang bahagi ng Mindanao na apektado naman ng ITCZ o Intertropical Convergence Zone.
Ang Metro Manila at iba pang mga lugar ng bansa ay inaasahang makakaranas ng makulimlim na kalangitan na may manaka-nakang mga pag-ulan sanhi ng tinatawag na localizerd thunderstorms.
