


KUMAPIT sa kanilang mahigpit na depensa sa huling minuto ng laro ang Indiana Pacers at kinuha ang importanteng panalo sa Game 3 kontra sa Oklahoma City Thunder, 116-107 sa pagpapatuloy ng 2025 NBA Finals sa Gainbridge Fieldhouse sa Indiana.
Sinorpresa ni Bennedict Mathurin mula sa bench ang Thunders matapos na makapagtala siya ng 27 points habang si Tyrese Haliburton naman ay nanalasa sa kanyang makapigil hiningang mga baskets na pumukol ng kabuuang 22 points.
Nakapagtala naman si Shai Gilgeous Alexander
Dinikdik ng bench ng Pacers ang OKC sa kanilang nailistang 49 points laban sa napakababang 18 points ng Thunder.
Naging malaking factor din para sa pagkatalo ng OKC ang kanilang 19 turnovers sa kabuuan ng laro.
Dahil sa panalong ito ng Pacers ay naiangat nila ang koponan sa serye, 2-1 patungo sa Game 4 sa darating na Biyernes sa kanilang teritoryo.