

MISTULANG sinaniban ng kaluluwang bakal ng Statue of Liberty sina Jalen Brunsun at Karl Anthony Towns sa pagsisimula pa lamang ng Game 5 at kinabayo ang 111-94 panalo kontra Indiana Pacers upang panatilihin ang pag-asang makapasok sa NBA Finals na naglagay sa kanila sa kartang 2-3 panalo-talo sa pagpapatuloy ng Eastern Conference Finals sa Madison Square Garden.
Ang Knicks na napailaliman sa 3-1 win-loss card ay naglaro na parang wala nang bukas at ang kanilang bawat mga galaw sa loob ng hardcourt ay sinasaliwan ng kung anu-anong ingay ng mga naghihiyawang fans na nagbigay ng init upang mapigilan ang tangkang pagtapos ng Pacers sa serye sa labas ng kanilang teritoryo.
Pinangunahan ni Jalen Brunsun ang kanyang koponan sa naiukit na 32 points, 5 rebounds at 5 assists.
Ang Game 6 ay muling ibabalik sa GainBridge Fieldhouse sa Indiana sa Sabado ng gabi.
Alinman sa Knicks at Pacers ang magwagi sa serye ay makikipagtuos naman sa kampeon ng Western Conference finals na Oklahoma City Thunder na nanaig sa Minnesota Timberwolves.