
UMALAGWA sa third quarter ang Indiana Pacers at hindi na napigilan pa ng New York Knicks ang mga dilawan upang tuluyang tapusin ang serye makaraang kunin ang panalo sa Game 6, 125-108 sa Gainbridge Fieldhouse na nagkasa sa isang kapana-panabik na showdown sa NBA Finals kontra Oklahoma City Thunder sa June 6.
Matapos ang mahigpitang bakbakan sa first half ay nagawang makalayo unti-unti ang Pacers sa kalagitnaan ng unang yugto ng second half at pinondohan ng malaking kalamangan ang Knicks bago tuluyang tinambakan sa kabuuan ng fourth quarter.
Ang Knicks ay dinaig ng Pacers sa kabuuan ng second half kung saan pumukol lamang sila ng 54 points kontra 67 puntos na naitala ng Indiana.
Inaasahang magiging mainit ang pagtatapat nina Pascal Siakam at ShaI Gilgeous Alexander sa nakatakdang salpukan ng mga kampeon ng Eastern at Western Conference Finals para sa prsetihiyosong titulo ng NBA sa season na ito.