

PINATUNAYAN muli ni pambansang kamao at 8-division world boxing champion Manny Pacquiao na numero lamang ang bilang ng edad at sa isang tulad niyang alamat ng boxing sa mundo ay kaya pa rin niyang makipagsabayan sa mga higit na bata at malalakas na kampeon sa bagong henerasyon matapos na maitabla ang kanilang WBC welterweight championship fight nitong Sabado ng gabi (Linggo ng tanghali PT) laban sa kampeon na si Mario Barrios ng Mexico.
Bagama’t dismayado ang karamihan sa mga fans ni Pacman dahil malinaw na lamang sa puntos at higit na maraming round na angat siya sa bakbakan, napanatili ni Barrios ang kanyang korona matapos na ideklarang majority draw ang kanilang laban.
Maging si Manny ay hindi kumbinsido sa naging hatol ng mga judges sa kanilang naging bakbakan dahil para sa kanya ay malinaw na siya ang nanalo sa laban.
” I thought i won the fight”, pahayag ni Pacquiao sa interview matapos ang kanilang laban.“It was a close fight. My opponent was very tough. It was a wonderful fight.”
Nang tanungin si Pacman kung bakit may matindi siyang resitensiya na parang tulad sa isang mas higit na bata sa kanyang kasalukuyang edad ay ngumiti lamang siya at sumagot ng ganito: “We worked hard. Hard work and discipline, everything like that. I had to keep my body in shape as always.”
Sa kabuuan ng laban ay nasaksihan ng lahat na mas agresibo at mas naging epektibo ang mga suntok at galawan ng higit na may edad subalit mas eksperyansadong mandirigma na si Pacquiao at ang madalang sumuntok na si Barrios ay kinakitaan lamang ng mas agresibong paglalaro sa nalalabing tatlong round ng laban at nanatiling nakatayo at mas mabangis si Pacman hanggang sa dulo.
“I’m trying to find a way to finish the fight but my opponent is so tough and brave. He’s not careless. He throws punches in combination and with defense. So it was hard,” pahayag pa ni Pacman.
Sa kabila ng majority draw na kinalabasan ng kanyang pinakahuling laban, sinabi ng 46 anyos na si Pacquiao na labis niyang ikinasisiya ang nangyari.
“It’s an inspiration to old boxers that, you know, even if you have discipline and hard work, you can still fight, “I’m so thankful to God, because without God, Manny Pacquiao is not here. God is the source of all the strength and good health that I have right now.”
Tulad ng dati. ang mga pinoy ay masaya at sabik na pinanood ang Filipino ageless warrior at pinagkaisang muli ang mga pinoy sa laban ni Pacman.
Kantiyaw nga ng mga pinoy na avid fan ni Pacquiao : “Pag boksing kakampi kami ni Pacquiao, dapat boksing na lang wag na politics…boksing naman talaga…diyan siya magaling, diyan siya nakilala at naging great! “
Pinuri naman ni Barrios si Pacquiao at sinabi nito na kahanga-hanga si Pacman dahil sa kabila na 46 anyos na ito ay naroon pa rin ang tibay at husay nito bilang isang tunay na kampeon at alamat.
“I would like to do it again… thought I still pulled it out,” pahayag ni Barrios pagkatapos ng laban.. “But, you know, I still tip my hat to Manny.”
Para sa WBC welterweight champion, ang naging resulta ng kanilang laban ay kasiya-siya para sa kanya. “It was an absolute honor, you know, to share the ring with [Pacquiao],” wika niya. “To share the ring with somebody with so much experience, who has accomplished so much in this sport.
“Man, and shout out to all the Mexican fans here. Shout out to all the Filipinos, you know, for supporting this event. This is huge, by far the biggest event I’ve had to date.
“And you know, we still came in here. We left everything in the ring. Like I said, I tip my hat to Manny. Nothing but love and respect, ” dagdag pa ni Barrios

