


First time na sasabak sa teatro ang magaling na aktor na si Paolo Gumabao via Dante Balboa’s sexually charged play na “Walong Libong Piso.”
Aniya, matagal na raw niyang dinadasal noon na mabigyan siya ng break sa entablado.
“Matagal ko nang hinihiling kay Lord na makapagteatro ako pero ngayon lang ako napagbigyan,” lahad niya.
Ibinahagi rin niya ang kanyang naging paghahanda sa bagong hamon sa kanyang acting career.
“Siyempre, iba iyong memorization. Bukod sa memorization, you really have to embody your character.
May certain dance moves akong prinapraktis ngayon para sa stage play,”bulalas niya.
Ikinumpara rin niya ang kanyang karanasan sa dalawang magkaibang larangan ng sining.
“Ang masasabi ko lang, excited ako.
Sobrang magkaiba sila. Very different sila pero same sila in a lot of ways. Iyong theater, siya iyong pinaka-root ng acting. Pinaka-root ng craft. All the best actors naman pinagdaanan iyon,” sey niya.
“Parehas naman silang malalim. Iyong pelikula at iyong teatro. Iba lang iyong pressure pag nasa stage ka. All eyes are on you. Hindi ka puedeng magkamali sa lines o mag-buckle. If ever na nagkamali ka, you have to find ways na maikambyo iyon,” pahabol niya.
Na-challenge rin daw siya sa kung ano pa ang puwede niyang ibigay bilang aktor sa ibang medium.
” Pinaka-challenge for us is to find ways to make things interesting, iyong nuances, iyong extra movements para ma-express mo iyong kailangan ng karakter. Iba iyong pag-express ng emotions sa TV or sa movie, it’s more internal. Sa teatro naman mas external na siyang mina-master namin, “esplika niya.
Na-appreciate rin daw niya ang collaborative effort ng co-stars na sina Drei Arias, Juan Paolo Calma at Jhon Mark Marcia sa entablado.
” Masaya iyong rehearsal namin. We all play the same character. We all learn from each other. Kapag pinapanood namin iyong rehearsal ng iba, pinapanood din ng iba iyong rehearsal ko so lahat kami natututo sa isa’t-isa,” ani Paolo.
Sinabi rin niya na mas mapangahas ang ipakikita niya sa stage play.
” Daring. Daring talaga. I think this is my comeback sa pagiging daring. Ito iyong pagbabalik ko sa pagiging daring uli. It’s new, an uncharted terroritory for me, so I’m very careful every step na tine-take ko so I’m trying to understand everything,” hirit niya.
Ayon pa sa aktor, game rin daw siya kung ano ang ipagawa ni Direk Dante sa stage play na hitik sa mga nakakaelyang eksena tulad ng macho dancing, mastyrbation at shower scenes.
Ang” Walong Libong Piso” ay partly inspired sa buhay ng male sex symbol na si Dante Balboa noong dekada 2000.
Ang” Walong Libong Piso” ay partly inspired sa buhay ng male sex symbol na si Dante Balboa noong dekada 2000.
Iprinudyus ni Engr. Benjie Austria ng Bentria Productions with Dennis Evangelista as line producer, may theatrical run ito sa Tanghalang Ignacio Jimenez (Blackbox Theater) sa Agosto.
