Inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na mapapanood na simula sa Dec. 31, 2024 sa IBC-13 at D8TV ang PCSO Lottery Draw. Pinagsanib na puwersa ito ng PCSO, Intercontinental Broadcasting Corporation at Digital 8 upang mapalawak ang nararating na mapagseserbisyuhan habang patuloy na nagbibigay ng oportunidad sa mga Pilipino ma sundan ang kanilang paboritong lotto games kahit saang lugar at kahit anong oras.
Itatampok ng PCSO Lottery Draw ang mga sikat na laro gaya ng Ultra Lotto 6/58, Grand Lotto 6/55, Super Lotto 6/49, Mega Lotto 6/45 at Lotto 6/42 at dadalhin din ang 6D, 4D, 3D at 2D Lotto at ipalalabas nang live araw-araw, Lunes hanggang Linggo bandang alas-2 pm, 5pm at 9pm.
Mula sa unang pagkakataon simula nang magsimula ang lotto draws ilang taon na ang nakalilipas, makapanonood na ng draw nang sabay sa analog at digital IBC-13, D8TV at IBC DWAN 1206 AM channels. Available rin ang livestreaming sa official online platforms kabilang na ang websites, Facebook at YouTube channels ng PCSO, IBC 13 at DWAN 1206. Ihahatid ng IBC-13 sa pakikipagtambalan sa isang papalakas na network na pinatunayan ng paglulunsad ngayong Disyembre ng bagong Digital Terrestrial TV (DTT) transmitters sa Baguio at Davao.
Kabilang na rin sila sa DTT stations ng Iloilo, Cebu at susundan pa ng digitalization ng Laoag at Cagayan de Oro at ang pagpapatayo ng original (OG) digital stations sa Leyte, Samar, Surigao, Naga, Masbate, Legaspi, Catanduanes, GenSan, Agusan, Puerto Princesa, Coron, Pagadian, Tuguegarao, Cauayan, Batangas, Bulacan at Zamboanga.
Maliban sa mapapalapit ang Executive at Legislature na mga programa sa masa, sasanib din ang IBC-13 sa infotainment programming sa mga bago nilang programa na ilulunsad sa unang quarter ng taong 2025, ang Cooltura, Legally Speaking, Sayanista, Kalye Sining at Barangay Trese. Para sa iba pang impormasyon ukol sa bagong broadcast schedule at lotto updates, bisitahin lang ang official websites ng PCSO at IBC-13 o sundan ang kanilang social media pages.