
POSIBLENG umabot pa ng hanggang P170 ang bawat litro ng diesel at P120 naman sa gasolina sa susunod na linggo sa gitna pa rin ng patuloy na mainit na giyera sa Gitnang Silangan.
Ito ay kasunod ng pag-anunsyo ng mga pangunahing oil industry source na may magaganap na pagtaas ng P17 hanggang P19 sa halaga ng diesel habang ang gasolina naman ay P6.00, P13.00 sa kerosene at inaasahan ito sa darating na araw ng Martes, Abril 7.
Dahil dito ay posibleng umakyat ang presyo ng regular diesel sa P165 habang P170 naman ang premium diesel kada litro.
Inaasahan namang papalo sa halagang P120 ang presyo ng Super premiuim gasoline at P117, P110 ang bawat litro ng premium at regular na gasolina.
Maari pa umanong magbago ang presyo ng mga nabanggit na produktong petrolyo depende sa trend sa world market.
