


By J. BITUIN
MASAYANG nagpaabot ng kanyang taos-pusong pagbati sa mga kumpirmasyon at promosyon ng ilang mga opisyal ng Departmernt of Foreign Affairs (DFA) at officers ng Armed Forces of The Philippines (AFP) si Rep. Lani Mercado Revilla, kinatawan ng 2nd District ng Lalawigan ng Cavite.
Ayon pa sa kanya, hinangaan ang naging maayos at makabuluhan na mga kasagutan ng mga ito sa mga naging katanungan ng mga miyembro ng Commission on Appointments kung saan ay masasalamin ang kanilang integridad, dedikasyon at kahusayan sa bilang mga lingkod bayan sa ating bansa.
Binati ni Revilla ang ilang mga opisyales ng DFA sa pangunguna ni Raphael Lotilla sa kanyang kumpirmasyon bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary to the Holy See with Concurrent Jurisdiction Over the Sovereign Order of Malta, gayundin sina Christian De Jesus, Anthony Achilles Mandap at Judy Barbara Robianes sa kanilang mga promosyon na aniya’y patunay ng propesyonalismo, tibay at malasakit ng ating mga diplomats.
Kinilala rin ang promosyon ng 70 officers ng Armed Forces of the Philippines kung saan ay binigyan ng special recognition ni Revilla ang ilang mga kababaihan sa serbisyo militar kabilang na sina Colonel Agnes B. Ballinas, Colonel Gina B. Burac, Colonel Luisita G. Clavecillas II, Colonel Primrose H. Corral, Colonel Bebverly M. Librada, at Captain Susan B. Quisido. Ang inyong tapang at dedikasyon ay inspirasyon sa ating lahat.
Nawa’y magsilbi ang inyong tagumpay bilang patunay ng katapatan, dangal, at malasakit sa sambayanang Pilipino. ![]()
