Sa muling paglagda ng kontrata ni Rhen Escaño sa CC6 at FunBingo, mas pinalakas na naman ang kanilang misyon sa pagtulong sa mga nangangailangan at pagpapalaganap ng good vibes sa buong Pilipinas! Ang multi-talented na aktres, na kilala sa kanyang dedikasyon sa adbokasiya at pagmamalasakit sa kapwa, ay patuloy na magiging mukha ng gaming na may puso.
Kung akala mo eh puro pak ganern lang ang gaming platforms na ito, aba, teh, hindi lang ‘yan! Sa tulong ni Rhen Escaño, mas pinabongga pa ang community outreach programs ng CC6 at FunBingo. Noong nakaraang taon, personal niyang dinalaw ang mga kababaihang biktima ng pang-aabuso sa Bulacan, kasabay ng kanyang kaarawan, para ipakita na hindi lang siya basta endorser—siya mismo ay nasa frontline ng pagtulong sa kapwa.
Bukod diyan, super bet na bet din ni Rhen ang iba pang proyekto tulad ng feeding programs sa Makati, Cavite, at Manila para sa mga kababayan nating nangangailangan ng mainit na pagkain.
Tulong pang-edukasyon sa mga estudyanteng Aeta sa Bataan. Tree planting activities sa Rizal at Antipolo para sa kalikasan. Pag-abot ng ayuda sa mga tricycle drivers na patuloy na bumubuhay sa ating ekonomiya. At ang patuloy na pagsuporta sa medical missions ng Balanga Lions Club para sa mga estudyante sa Bataan.
Inilunsad noong September (2024) ang FunBarangay, isang mas bonggang proyekto kung saan linggo-linggo ay naglalakbay ang team para maghatid ng tulong at kasiyahan sa iba’t ibang barangay sa Pilipinas. Maliban sa pagbibigay ng suporta sa mga nangangailangan, layunin din ng programang ito na maghatid ng inspirasyon—isang bagay na gustong-gusto gawin ni Rhen para sa kanyang mga tagahanga.
Ngayong February 2, 2025, ipagdiriwang ang 5th anniversary ng CC6 at 7th anniversary ng FunBingo, at true enough, hindi lang ito basta selebrasyon—paandar ito! May nakatakdang mga malalaking pa-premyong ipamimigay mula sa CC6 at sa FunBingo, hindi lang para sa players kundi para na rin sa mas malawak pang charity efforts.
Sa pagpapatuloy ng partnership ni Rhen sa CC6 at FunBingo, mas lalong lumalalim ang kahulugan ng ‘gaming with a heart’. Para sa kanya, hindi lang ito tungkol sa kasiyahan sa laro, kundi pagpapalaganap ng malasakit at pagtulong sa kapwa.
“Nakakataba ng puso na maging parte ng isang organisasyong hindi lang basta entertainment ang layunin, kundi ang makatulong sa mas maraming tao. Hangga’t kaya natin, ipagpapatuloy natin ang misyon ng pagbibigay ng saya at pag-asa sa ating mga kababayan,” ani Rhen.
Kasama ang events team na pinangungunahan ni Ms. Dhevy Sahagun, B’Vibes Entertainment Production, at JAF Digital Group, siguradong mas marami pang mabibiyayaan at matutulungan sa mga darating na buwan.
At dahil dito, huwag nang pa-bebe! Abang-abang na dahil mas malaking saya, tulong, at paandar ang naghihintay sa 2025!