

KASUNOD ng pagdiriwang ni Senator Ronald ” Bato ” dela Rosa ng kanyang ika-64 na taong kaarawan nitong nakaraang Enero 21, 2026 habang siya ay pansamantalang lumayo sa sirkulasyon upang makaiwas matapos na umugong ang balita na mayroon nang inilabas na warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban sa kanya na may kaugnayan sa madugong war on drugs noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung kailan siya ang nakapuwesto bilang Philippine National Police (PNP) Chief ay umuugong naman na plano umanong pagsasampa ng Ethics complaint laban sa kanya dahil marahil sa matagal niyang hindi pagpasok sa Senado na bahagi ng kanyang trabaho bilang isang halal na lingkod-bayan.
Sa kanyang mensahe na ibinahagi noong kanyang kaarawan, sinabi ni Sen. Bato na haharapin umano niya ang anumang reklamo na ihahain laban sa kanya subalit maghihintay lamang siya ng tamang panahon para harapin ito at ang hiling niya sa kanyang kaarawan ay magkaroon ng tama at patas na hustisya dito sa loob ng ating bansa.
“One that demands that justice be served right here, on our shores, in our courts. Justice that requires us to stand tall and proud as Filipinos. Nothing more, nothing less,”
Matatandaan na nagsimulang magtago pansamantala ang senador noong Nobyembre 2025 upang makaiwas sa posibleng pagkaaresto matapos ang napabalitang paglabas ng arrest warrant mula sa ICC upang malusutan ang anumang panganib na baka siya ay matulad sa dating Pangulong Duterte na ngayon ay naka-detained sa The Hague Netherlands.
Batay sa lumabas na mga ulat ngayong araw, may plano umano si dating senador Antonio Trillanes IV na sampahan ng reklamo sa Ethics committee si dela Rosa dahil sa patuloy na pagliban nito sa senado habang pinopondohan umano ng gobyerno ang opisina nito pero sa hindi malamang kadahilanan ay hindi siya pumapasok at nagpapakita sa senado.
Si Trillanes ay lantad na kalaban sa pulitika ng mga Duterte kung kaya’t hindi naman kataka-taka na maging mainit ang kanyang mga mata kay dela Rosa dahil isa si Sen. Bato sa mga senador na kaalyado ng mga Duterte sa senado.
At dahil nakasilip siya ng konting pagkakataon upang masalakab si Bato ay tiyak na tutuluyan niya ito kung patuloy na magmamatigas sa hindi paglitaw ang senador.
Matatandaan na dalawang araw pa lamang ang nakakalipas ay sinampahan ng reklamo ni Trillanes si VP Sara Duterte sa tanggapan ng Ombudsman para sa mga kasong graft at plunder kasama ang ilang miyembro ng isang civil group at seryoso pa rin si Trillanes hanggang ngayon sa kanyang ipinaglalaban.
Kaya’t kung nagpaplano man siya na mag-file ng ethics complaint kay Sen.Bato ay karapatan yan ng kahit sinong pilipino laban sa mambabatas kaugnay ng ilang buwan na pagliban nito sa kanyang trabaho sa senado.
Sa panig naman ni dela Rosa, hindi masama na maging alerto at maingat dahil buhay niya ang maaapektuhan sakali at bigla na lamang siya arestuhin ng walang kalaban-laban at maibiyahe sa ibayong dagat tulad ng kanyang kaalyado na si FPRRD.
At bilang isang dating pulis, sanay siya sa anumang mas mabigat na hamon ng buhay tulad ng pinagdaraanan niya ngayon at napakadali lamang para sa isang tulad niya ang pagtatago at pagbibigay ng proteksyon sa kanyang sarili.
Bagama’t talagang hindi tama na basta na lamang niya abandunahin ang kanyang trabaho bilang isang halal na senador ay may karapatan din naman siya na depensahan at pag-ingatan ang kanyang sarili.
At sa kanyang karakter bilang isang senador na may prinsipyo at isang dating alagad ng batas na sanay sa kahit anong uri ng bakbakan, mananatili siya sa kanyang paninindigan kahit ano pa ang mangyari.
Hahaha magandang abangan ito kapag itinuloy ni Trillanes ang kanyang banta kay Sen. Bato dahil diyan natin masusukat kung sino sa kanilang dalawa ang mas matalino at may bayag upang harapin ang anumang laban na kanilang nais na ilatag.
Tingnan natin kung sino kay Sen. Bato na kilala bilang isang taong may katatagan na sintigas ng bato laban kay Trillanes na tinatawag naman ng mga pro-Duterte na sundalong kanin.
Pagkakataon na ito ni Trillanes para patunayan na siya ay hindi isang sundalong kanin…
…may ulam din???
