
S


Saving Grace:The Untold Story’ is set to air on free TV this March 3, after reaching #1 spot on Prime Video.
The ABS-CBN series is the Philippine adaptation of the hit Japanese series ‘Mother’, produced by Nippon TV and written by Yuki Sakamoto.
Ang ‘Saving Grace’ ay kuwento ng isang teacher na si Anna (played by Julia Montes) na na-involve sa isa niyang estudyante na si Grace, (played by child actress Zia Grace).
Tinulungan ni Anna si Grace na may pinagdadaanang pang-aabuso sa tunay niyang ina (Jennica Garcia).
Ang official trailer ng ‘Saving Grace: The Untold Story’ ay ni-release na ng Prime Video at kabilang sa mga casts ng series ay sina Janice de Belen, Sam Milby, Christian Bables, Elisse Joson, Eric Fructuoso at Megastar, Sharon Cuneta.
Directed by FM Reyes at Dolly Dulu, ito ay napapanood na sa Kapamilya Online Live, A2Z, TV5 at available din sa iWantTFC at TFC.
Naunang inilabas ng ABS-CBN’s Dreamscape family ang official poster ng series last February 13, kung saa’y bida sina Julia Montes at Sharon Cuneta with child star Zia Grace holding hands
Part of the Dreamscape post, “Apat na babae, iba’t-ibang uri ng pagmamahal. Paano masusukat ang pagiging mabuting Ina?”
* * * * * * *
Ibinasura ng Pasay City Metropolitan Trial Court ang kasong sexual assault ni Sandro Muhlach laban kina Jojo Nones at Ricard Cruz nitong nakaraang araw.
Ayon sa Pasay Court Branch 46, kinatigan nila ang motion nila Nones at Cruz dahil sa kakulangan ng ebidensiya sa kasong ‘Acts of Lasciviousness’ na isinampa ni Sandro laban sa dalawa.
Pero ayon sa pahayag ni Sandro, “The case wasn’t dismissed, just one of the charges.The court removed the ‘Acts of Lasciviousness’ charge because it’s already part of the sexual assault case, which is still ongoing.”
Ibig sabihin mas matindi ang magiging kaso. “But we will still file a ” Motion for Reconsideration’ for the ‘Acts of Lasciviousness’.
Hindi sila makakalusot dito at ilalaban ko ‘to hanggang sa huli, I will make sure na hindi na sila makakalusot sa iba. #ENDRAPE.” dagdag pa ni Sandro.
Dagdag pa na ng Sparkle actor, “I’m very disappointed @inquirer.net. Misleading title ng article niyo!
Pinapasaya niyo yung perpetrators at lawyer nila. Hindi pa tapos. See you all in court!” pagtatapos ni Sandro.
