






Well, Well, Well… mga ateng, beks, beshy at mga ka-A’TIN! Ang mga hari ng P-pop, SB19, ay muling nagpakitang-gilas sa isang pambihirang dalawang gabing concert sa Philippine Arena bilang panimula ng kanilang ‘Simula at Wakas’ World Tour — at sa true lang, sheeet, history talaga ang ganap!
Mula sa opening number na ‘Dam’, todo ang energy nina Pablo, Justin, Stell, Ken at my love, Josh. Parang nagliliyab ang buong arena sa lakas ng hiyawan ng sold-out crowd. At take note, ha — hindi lang isa, kundi dalawang gabi silang nagpuno ng pinakamalaking indoor arena sa buong mundo. Ganon sila kalakas, ganon sila kabangis.
“Dati, pangarap lang namin makapag-perform sa Philippine Arena,” ani Josh habang ramdam ang emosyon sa boses.
“Nakapag-perform na kami sa Araneta Coliseum, sa Mall of Asia Arena, pero napakasarap sa pakiramdam na mapuno namin ang pinakamalaking indoor arena sa buong mundo. Parinig nga ng 55 thousand people in the crowd?” dagdag pa niya habang nanginginig ang boses sa tuwa.
Todo bigay at walang patid ang performances ng grupo.
Hindi tinipid ng SB19 ang kanilang fans. Mula sa mga iconic hits tulad ng ‘What’, ‘Mana’, ‘Gento’, ‘Wyat’ ‘Bazinga’, ‘Golden Hour’, ‘Moonlight’, ‘Dungka’, ‘8TonBall’, hanggang sa emotional na ‘Mapa’ na nagpakilig at nagpaluha sa madlang A’TIN — todo hataw at paandar talaga ang lima.
Nagpakitang-gilas din sila sa bago at paboritong kanta gaya ng ‘Shooting for the Stars’, ‘I Want You’, ‘Crimzone’, ‘Nyebe’, ‘Time’, ‘Quit’, ‘Freedom’, at ang pasabog na ‘SLMT’, kung saan literal silang umangat mula sa entablado — as in elevated levels, mga nini!
Pero ang pinaka-wow sa lahat? Bumalik sila sa entablado for an encore at kinanta muli ang ‘Dam’, sealing the night with a poetic full circle — ‘Simula at Wakas’, in flesh and performance.
Emosyonal ang ilang mg sandali kasama ang kanilang mga pamilya. Isa sa mga pinaka-heartfelt moments ay ang performance ng ‘MaPa’, kung saan ipinakita sa screen ang kanilang mga pamilya at magulang. Maraming fans ang naiyak, at ilang miyembro ng SB19 ay halatang pinipigil ang emosyon habang kumakanta.
“Wala kami dito kung hindi dahil sa inyong lahat,” ani Pablo sa isang taos-pusong mensahe sa gitna ng performance.
“Kaya maraming, maraming salamat po.”
Ang concert na ito ay simula pa lang ng mas malaking pangarap — isang 18-city world tour na magdadala sa kanila sa iba’t ibang bahagi ng mundo gaya ng Taipei, California, Canada, Hawaii, Singapore, Doha, Riyadh, Jeddah at iba pa.
Tickets para sa May 31 concert sa Bulacan ay sold-out in just seven hours, kaya nagdagdag sila ng Day 2 concert sa June 1. Kaya naman, expect heavy traffic sa NLEX dahil sa dagsa ng mga fans mula sa iba’t ibang parte ng bansa. NLEX Corporation mismo ang naglabas ng traffic advisory at nag-deploy ng traffic personnel para tumulong sa motorists.
“We did it!” ani SB19 sa isang Instagram post.
“From the bottom of our hearts, thank you so much for your overwhelming love and support.”
Salamat, Producers at A’TIN!
Kudos din sa mga power producers na sina Anna at Janine Puno ng Starmedia Entertainment, kasama ang Live Nation Philippines at 1Z Entertainment. Concert Direction by Paolo Valenciano. Ang production ay world-class, mula sa lighting, staging, visuals, hanggang sa sound — may pagka-Coachella na may halong Pinoy pride, mga ateng!
Hindi lang ito basta concert. Isa itong cultural moment. Patunay na ang P-pop, sa pangunguna ng SB19, ay hindi na pang-local lang — global na ang peg, mga nini!
Sa mga hindi nakapanood, FOMO kayo, bes. Sa mga nandoon — alam ninyong you witnessed history in the making. SB19 didn’t just perform — they owned the stage, our hearts, and the world.
Mahal namin kayo, SB19. At mahal na mahal namin kayo, A’TIN.
‘Yun na!
