

ANG naging pagkatalo ng pinay tennis star na si Alexandra “Alex” Eala sa kanyang quarterfinal match laban sa world no. 11 na si Ekatarina Alexandrova bagama’t malungkot ay nagbigay naman ng positibong resulta para sa kampanya ni Eala at ng katambal niya na si Janice Tjen ng Indonesia matapos na pormal na maokupahan nila ang isa sa dalawang semifinals berth sa doubles event ng WTA 500 Mubadala Abu Dhabi Open.
Tinalo ng tambalan nina Eala at Tjen ang malakas na tandem nina Cristina Bucsa at Zhang Shuai, 6-3, 6-3, ngayong Biyernes ng umaga PH Time) sa kanilang quarterfinal match.
Makaraang dominahin ng kapwa Asyana na sina Tjen at Eala ang unang set, maagang nagpondo ng 3 puntos na agwat ang dalawa upang iwan ang mga katunggali 3-0 bago bumawi sina Bucsa at Shuai ng dalawang puntos 3-1 at muling nalubog sa 5-2 patungo sa pagtatapos ng laban.
Una rito, pinabagsak nina Tjen at eala ang tandem nina Leylah Fernandez at Cristina Mladenovic, 7-5, 3-6, 10-6.
Tatangkain nina Eala at Tjen na makatuntong sa finals ng Abu Dhabi Open sa kainlang nakatakdang pakikipagtuos sa malakas na tambalan nina Tereza MihalĂková ng Slovenia at Olivia Nicholls ng United Kingdom.
