

BINALAAN ni dating presidential spokesperson Harry Roque si Senator Ronald “BATO” dela Rosa kaugnay sa aniya’y impormasyon niya na totoong may nailabas nang warrant of arrest laban sa kanya ang International Criminal Court (ICC) kung saan kasalakuyang nakadetine ang dating pangulo ng Pilipinas na si Pres.Rodrigo Duterte.
Ayon sa pahayag ni Roque, sinabi nito na may nailabas na warrant of arrest ang ICC para kay Sen. Bato kasabay ng pag-anunsyo niya ng kanyang pagsusumite ng liham sa International Criminal Police Organization (Interpol) upang ibasura o balewalain ang request ng pamahalaan ng Pilipinas na red notice laban sa kanya.
Sa kanyang Facebook page ay nagbabala si Roque sa kanyang kaibigan na si Sen. Bato na bukod sa hindi siya dapat na magpadukot o magpadampot ay sinabi nito na kailangan ay ipaglaban niya ang kanyang karapatan na maiharap muna sa korte sa Pilipinas bago ang anumang plano sa kanya ng ICC.
” Sen. Bato, your warrant of arrest is out! ‘wag ka pa-kidnap. Insist that you have the right to be brought before Philippine Court first! ” ani Roque sa kanyang post.
Wala namang iba pang detalye na isinapubliko si Roque tungkol sa pinagkunan niya ng naturang impormasyon.
Matatandaan na binabatikos ng kanyang mga detractors si Sen. dela Rosa dahil sa kanyang pagliban sa senado at nagsimula na siyang magtago matapos na umugong ang balita tungkol sa sinasabing posibleng pagdakip sa kanya sa bisa ng warrant ng ICC kaugnay sa pagkakadawit niya umano sa war on drugs ni dating pangulong Duterte kung saan siya noon ang dating PNP chief.
Kinakantiyawan pa nga si Bato ng kanyang mga kalaban sa pulitika na kung matapang siya talaga ay dapat hindi ka nagtatago at dapat ay hinaharap niya ang kanyang problema sa ICC subalit sa kanyang ginagawa ngayon na patuloy na pagtatago ay parang sinasabi ni Sen. Bato na manigas kayo sa galit…Neknek n’yo!
