


DYSLEXIA. Ito ang disability ng katakter ng bida’ng si Seth Fedelin sa pinagtatambalan nilang pelikula ni Francine Diaz na ‘She Who Must Not Be Named’.
Naglakas-loob ang sumulat na si Lawrence Nicodemus at direktor na si Christopher Novabos na sugalan ang tambalan’g ‘di na rin matatawaran ang following.
Si Andres Montefalco ay nilalang na playboy pero lahat ng ex ay nakakalimutan dahil sa pagiging dyslexic. Makikilala naman niya ang ‘mystery girl’ na kahuhulugan ng loob niya. Ang babe who must not be named nga na karakter ni Francine.
Bakit sila ang pinagtagpo ng tadhana. Ano ang hinahanap ni girl, na maibibigay naman kaya ni boy?
Sinisiguro ng producer ng Ohh Aye (OA) Productions, Inc. na hindi lang ito yayakapin ng kamalayan ng Gen Z audience kundi lubos nilang makikita ang hamon ng mga romantikong ideya na siguradong re-relate sa mga manonood.
Kasama sa cast ang ‘di rin matatawarang kakayahan nina Elijah Alejo bilang si Jayda Montefalco, Kych Minemoto as Robin Montefalco, Kaleb Ong as Paul Reynante, Abdul Raman as Luke Salviejo at Raven Rigor as Mark Delgado.
May mahalagang papel din sina Bernadette Allyson, Bobby Andrews at Bb. Ruby Ruiz sa pelikulang ito.
Magamot kaya ng misteryong dala ng babae who must not be named ang pagiging dyslexic ng lalake’ng bibihag sa puso niya?
The cast didn’t have a hard time to pull the chemistry that was needed to be the hinge to keep them afloat with the intention of the movie.
Buhay at sumisilakbo ang following ng #FranSeth na na-witness namin sa story conference and media launch ng pelikula sa ika-21 palapag ng Common Ground sa Rockwell 8.
We hope to see and feel that when the movie goes to the cinemas.