
Matagal na ring nagli-live in ang showbiz couple na ito.
Katunayan,para na rin silang husband and wife sa kanilang set up at ang kulang na lang talaga ay ang sakramento ng kasal.
Dahil compatible naman sila ay ilang beses na rin nilang binalak magpakasal.
Pero, tuwing nagbabalak sila ay nagkakaroon ng bulilyaso ang kanilang plano.
Hinihiritan na rin si singer-aktor ng apo ng kanyang padir.
Si girl naman ay bet na talagang maging full time mudra at handa nang mag-alaga ng kids nila ni singer-aktor.
May tsikang nag-propose na raw si singer-aktor kay girl.
Balak daw sana nilang magpakasal this year.
Ang kaso, medyo mauudlot na naman daw ang kanilang balak na magpatali sa isa’t-isa .
May project kasi si singer-actor kung saan meron siyang ka-love team.
Kung magpapakasal nga naman sila ay mapupurnada ang ilusyon ng kafaneyan sa love team kineme ni aktor.
Sino itong showbiz couple na urong-sulong ang kasal?
Clue: guwapo as in soyti si boylet at super sexy naman at isa sa may gandang fez s showbiz si gurl.
