





ANG serbisyo publiko ay isa sa pinakamahirap na trabaho ayon na rin sa mga pulitiko na may maayos na pananaw at subok na mabuting pamamahala bilang ama ng kanyang bansa, lalawigan, bayan o barangay man.
At walang pinuno o lider na makakaligtas o nakaligtas sa mapanuring mata ng kanyang mga nasasakupan.
Ang bayan ng Taytay sa lalawigan ng Rizal ay isa sa pangkaraniwang bayan lamang noon na walang ibang maipagmamalaki kundi ang kanyang mga produktong may kinalaman sa garments at woodworks na siyang ikinabubuhay ng kanyang mga masisipag na mamamayan at naging tatak na pagkakakilanlan ng kanyang bayan.
At ang mga hanapbuhay at negosyong may kinalaman dito ay unti-unting pinaunlad ng mga masisipag na residente ng bayan ng Taytay at magkakatulong na nagpunyagi upang maiangat ang antas ng kanilang kabuhayan mula pa noong mga huling taon ng dekada 70.
Ang Dekada 80 ay naging napakaunlad na taon at dito umusbong ang malalaki at kilalang sash factories mula sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Taytay kasabay na rin ng mabilis na pag-angat ng mga negosyong may kinalaman sa garments.
Dito na umusbong ang mga maliliit at malalaking patahian na naging supplier o pinagmumulan ng mga mahuhusay na RTW na ibenebenta sa mga pangunahing pamilihan tulad ng Divisoria, Baclaran, Pasig at gayundin sa mga malalaking malls.
Nagsimula ring umusbong ang mga nagtitinda ng mga damit na pambata mga yaring Taytay na mga iba’t ibang RTW na itinitinda sa may gilid ng bagong palengke at sa noon ay mga bahagi ng malaking lugar sa may Manila East.
Patuloy na naging maunlad ang mga negosyong ito sa buong bayan ng Taytay na nagpaangat sa pamumuhay ng karamihan ng mga residente at negosyante na nakikinabang sa hanapbuhay na ito subali’t sa huling mga taon ng Dekada 90 ay unti-unti itong bumagsak
Noong taong 2004 na unang maluklok sa puwesto si Taytay Mayor Joric Gacula, inumpisahan niyang baguhin ang kanyang bayan sa pamamagitan ng kakaibang pamamahala na may pananaw upang palakihin at paunlarin ang dating maliit at hindi gaanong kilalang bayan ng Taytay sa pamamagitan ng paghikayat ng mga malalaking negosyante at kapitalista upang magtayo at maglagay ng kanilang mga negosyo sa bayang ito.
Dito nagsimulang umangat unti-unti ang kabuhayan ng mga mamamayan at ang kabang bayan ng Taytay na naging dahilan upang muling magwagi si Mayor Joric Gacula bilang alkalde ng sumunod na mga halalan noong 2007 at 2010.
Ang kanyang kahusayan sa pamamahala ay sadyang hindi matatawaran at ang kanyang mga ginagawa ay ang totoong nagsasalita para sa kanya dahil mula sa maayos na pangongolekta ng basura, hanggang sa masinop at epektibong pamamahala sa Pamahalaang Bayan at masipag na pakikipag-ugnayan sa mga kapitalista at mga negosyanteng patuloy na sumusuporta sa kanyang mga programa para sa bayan ay naging tatak na ng uri ng kanyang pambihirang pamamahala.
Dito rin niya sinimulan na mas paangatin pa ang garment business sa pamamagitan ng pagsuporta ng kanyang administrasyon sa pagkakaroon ng Tyanggean sa may tabi ng bagong palengke sa may Manila East Club.
Dahil sa maayos na pamamahala sa peace and order at trapiko ay nagsimulang dayuhin ang Tyangge sa Taytay na nagsimula lamang noon sa pagtitinda ng mga damit na pambata at mga yaring Taytay na mga iba’t ibang RTW na itinitinda sa may gilid ng bagong palengke at sa noon ay mga bahagi ng malaking lugar sa may Manila East.
At ang garments business na ito ay halos ilang taon ding namayagpag na kung minsan ay wala nang sarahan dahil 24 oras na ang bentahan at pamimili ng mga parukyano na nagmumula pa sa iba’t ibang mga lugar ng bansa na dumadayo dahil sa mura at maayos na produkto na yari mismo sa bayan ng Taytay.
Kahit noong panahon ng pandemya ay patuloy ang pagtangkilik sa Tyangge sa Taytay at ayon na rin mismo sa mga manininda ay parang lalo pa umano itong naging mabili dahil bukod sa mga namimili sa kanilang puwesto ay dumagsa rin ang mga order sa pamamagitan ng online na kung minsan ay hindi na naila napgbibilhin dahil kulang na ang kanilang mga items.
Taong 2022, matapos na matalo sa unang pagkakataon si Mayor Joric sa halalan ay kasunod din niya na tinangggal ang landmark ng Taytay Tyangge na kanyang inilagay sa may tapat ng gate ng Club Manila East.
Sa hindi malamang dahilan ay biglang humina na rin ang bentahan sa Tyangge at dumalang ang mga dumadayong mamimili na naging sanhi ng unti-unting pagbagsak nito.
Ayon na rin sa mga nagtitinda at mga negosyante sa Tyanggean, ang masyadong mataas na bayad sa kanilang mga puwesto at ang pagsulpot ng mga manininda sa labas ng Tyanggean na karamihan ay hindi naman umano mga taga-Taytay ay ang talagang naging dahilan ng kanilang pagkalugi.
Bukod kasi sa hindi maayos na kalidad ng mga ibenebenta sa labas kumpara sa kanilang mga gawa ay mas mababa ang halaga ng pagbebenta ng mga kolorum na manininda sa labas dahil wala naman silang binabayaran na puwesto at anila’y may ‘binibigyan’ lamang ang mga ito.
Dahil diyan ay hindi na nila kinaya ang kumpitensya hanggang sa unti-unti na silang nalulugi dahil hindi na sila makapagbenta ng mura dahil mataas na ang bayad sa pwesto.
Ngayong taong 2025 sa kanyang muling pagtakbo bilang Mayor sa bayan ng Taytay ay kasama at pangunahin sa kanyang mga layunin at plano ang muling pasiglahin at buhayin ang Tyangge na napabayaan at tila binalewala ng kasalukuyang administrasyon.
Kasama si Vice Mayor Jeca Villanueva, Mga konsehal na sina Konsehal Mitch Bermundo, Coun. Archie Calderon, Coun. Tegan Cayton, Coun. Maneth Gonzaga, Coun. Gerald Cruz, Coun. Alysson Lopez, Coun. Bonggit Jurado at Coun. Gerick Francisco, Si Mayor Joric Gacula ay handa na muling ibangon ang tila nahimbing na ekonomiya sa bayan ng Taytay at ayusin ang mga pangunahing serbisyo at pangangailangan ng mga mamamayan.

SI MAYOR JORIC AT ANG TAYTAY AY IISA…ANG KAUNLARAN, KALINISAN AT KATAHIMIKAN NG TAYTAY AY ANG TATAK NI MAYOR JORIC GACULA!



