
ISANG nakakairitang ugali ng magaling at sikat na komedyante ang pinagtatakhan sa showbiz, lalo na kung may big event na kinakailangang naroon siya bilang special guest.
Kapag kasi paparating na ang sikat na komedyante sa isang event, na siyempre pa’y dagsa ang madlang pipol, ay may uutusan siyang kanyang staff, bilang advance party na makikipag-usap sa organizer ng event para chikahin kung: “SAAN DAW PO PUWEDENG DUMAAN SI BOSSING NA WALANG MGA TAO?”
Laging look na lang sa sky ang organizer ng event. Napapakamot sa ulo. Sikat ang komedyante at kailangan nga siyang makita ng mga tao bilang added attraction para masabing bongga ang event, tapos ayaw niyang dumaan sa lugar na maraming utaw? Grabe naman ang damot niya! Bakit naman ganun?
Pero huwag ka! Kapag mayroong showing na pelikula ang sikat na komedyante ay kailangan niya ng pipol para panoorin ang kanyang pelikula para maging top grosser.