
Kaabang-abang ang ika-8 edisyon ng Sinag Maynila Independent Film Festival na aariba na ngayong buwan ng Marso.
Magkakaroon ito ng theatrical run mula Marso 23 hanggang 29, 2026 sa Gateway cinemas (Cubao, QC), Eastwood Cinemas (Libis, QC), Uptown Cinemas (BGC, Taguig City), Venice Cineplex (McKinley Hill, Taguig City) at Lucky Chinatown Cinemas (Binondo, Manila).
Ang walong pelikulang mapapanood sa full length category ay ang “Pinikas” ni Cris Fuego, “Desperada” ni Louie Ignacio,“All About Her” ni Joel Lamangan,
“Sweet Escape” ni Rommel C Ricafort,
“Ang Bangkay” (The Embalmer)ni Vincent Tañada at “Lanaya” ni Clyde Capistrano.
Ang “All About Her” ay isang drama tungkol sa hiwagang bumabalot sa pagkamatay ng isang beauty queen.
Tampok dito sina Tony Labrusca, Yuki Sonoda, at Kelley Day. Kasama rin sa cast sina Itan Rosales, Marco Gomez, Angelica Cervantes, at Jim Pebanco.
Ang “Ang Bangkay” (The Embalmer) ay isang trahedya tungkol sa mga lihim na bumabalot sa bahay ng isang biyudong embalsamador.
Kasama sa cast sina Vince Tañada, Vean Olmedo, Johnrey Rivas, Lili Montelibano, Mercedes Cabral, Juan Calma, Sarah Javier, JP Lopez at OJ Arci.
Ang “Desperada” ay tungkol sa kuwento ng isang babaeng biktima ng pananamantala na nasadlak sa isang mental asylum.
Pinagbibidahan ng VMX star na si
Robb Guinto, tampok din sa cast sins Yasser Marta, Mhack Morales, Sue Prado, Mercedes Cabral, Marife Necessito, Julianne Richards, Adda Musni at Jorge Guda.
Ang “Lanaya” ay isang mystery thriller tungkol sa isang detective na nakipag-alyansa sa isang lalakeng nursing student
para maresolba ang isang krimen.
Tampok dito sina Shaun Salvador, Jun Nayra, Rolando Inocencio, Madeleine Nicolas, Gigi Hernandez, Marlon Mance, Aljun Fajardo, Rhett Romero at Clyde Crosz.
Ang “Pinikas” (Halved) ay isang regional film tungkol sa pakikipagsapalaran ng isang babaeng promdi para takasan ang kahirapan.
Nasa cast ng movie sina Angela Villar in, Jade Makawili, Kevin Reams, Michael Bacalso, Randolph Valmoria, Dion Seco Cecilio, Jolaica Amiana, Ellah Mae Cuaton at Arvin Cabajes.
Ang “Sweet Escape” ay pumapaksa sa engkuwentro ng dalawang taong pinagtagpo sa isang isla na tinatakasan ang sugat ng kanilang nakaraan.
Bida rito sina Arci Muñoz at ang Korean actor na si Kang Dong gun. Kasama naman sa supporting cast sina William Lorenzo, Matet De Leon, Ayeesha Cervantes, Ana De Leon, Brylle Parzuelo, at Alex Chang.
Ang Sinag Maynila ay itinatag ng film producer na si Wilson Tieng ng Solar Studios, Inc.kasama ang Cannes best director at award-winning filmmaker na si Brillante Mendoza bilang festival director.

