
NAGTAKDA ng dalawang araw na oral arguments ang Korte Suprema sa darating na Abril 2026 na gagawin sa Baguio City kaugnay ng mga petisyon para sa General Appropriations Act (GAA) para sa taong 2024, 2025 at 2026.
Ang unang araw ng argumento ay isasagawa sa Abril 8, 2026, araw ng Miyerkules ganap na alas-10:00 ng umaga habang ang ikalawang araw ay gaganapin naman sa Abril 2, 2026, Miyerkules sa Session Hall ng Supreme Court sa nabanggit na lungsod.
Una rito ay magsasagawa muna ng preliminary conference sa Penrero 4, 2026, Miyerkules sa ganap na ala-1 ng hapon na gaganapin naman sa Session Hall ng Supreme Court sa lungsod ng Maynila.
Kabilang sa mga petitioners ay sina Congressman Pantaleon ” Bebot ” Alvarez, Senator Aquilino ” koko ” Pimentel III, dating Alabay First District representative Edcel lagman, Camarines Sur Rep.Gabriel Bordado Jr.at Basilan rep Mujiv Hataman na nagnanais na maideklarang unconstitutional ang Bicameral insertion ng P449.5 billion sa 2024 GAA.
Ilan din sa mga iba pang mga petitioners sa magkahiwalay na mga petisyon ay ang grupong Filipinos for Peace, Justice, and Progress Movement Inc., Caloocan 2nd District Edgar Erice at Mamamayang Liberal party-list Rep. Leila De Lima.
Ayon kina Erice at De Lima, ang mga probisyon sa 2026 GAA na pinapayagan ang unprogrammed appropriations ay nararapat na maipawalang-bisa dahil ito ay unconstitutional.
