

Pinangunahan ng Taberna Group of Companies (TGC) ang isang makabuluhan at taos-pusong pagtitipon bilang pasasalamat sa kanilang business at media partners sa event na Kasama, Kasalo, Pasasalamat: TGC Partner’s Appreciation Day na ginanap sa Cities Events Place.
Binuksan ang programa sa isang pagpapakilala at milestone video na nagbalik-tanaw sa higit isang dekada ng paglalakbay ng TGC—mula sa simpleng simula na puno ng pananampalataya, hanggang sa paglago ng apat na pangunahing kompanya: Ka Tunying’s Restaurants, Kumbachero Food Corporation, Taste of the Town Catering, at Outbox Media Powerhouse Corporation.
Nagbigay ng makahulugang mensahe si Mrs. Rossel “Mrs. T” Taberna, COO ng TGC, matapos ipalabas ang milestone video. Binahagi niya ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng pusong mapagpasalamat at mapagpakumbaba sa bawat hakbang ng kanilang paglago. “Dito sa TGC, namumuno at naglilingkod kami nang may puso at pasasalamat,” ani Mrs. T.
Sumunod si Ms. Luchi Vitales, HR Executive ng TGC, upang ipakilala kung sino ang bumubuo sa TGC Communi-T—isang samahan ng mga Ka-Tmates na pinagbubuklod ng mga core values ng kumpanya.
Nagbigay din ng mensahe si Mr. Anthony Taberna, CEO ng TGC, bilang pasasalamat
sa mga media partners. “Maraming salamat sa tiwala at suporta. Katuwang po namin kayo sa bawat kwento at tagumpay,” pahayag niya.
Isa sa mga highlight ng programa ay ang pagbibigay ng token of appreciation para
sa business at media partners. Sinundan ito ng masaganang grazing table at
meriendang inihanda ng Taste of the Town, pati gift boxes mula sa Ka Tunying’s.
Nagbigay-saya rin sa event ang sayaw ni Tonton Mascot, live band performance, at
mga papremyo mula sa raffle.
Higit sa isang simpleng pagtitipon, ipinakita ng event ang tunay na diwa ng TGC—isang komunidad na itinayo sa pananampalataya, pagpapakumbaba, at walang sawang pasasalamat. Tulad ng mensahe sa milestone video: “Ito ay higit pa sa milestone—ito ay patunay ng aming pusong pinalalakas at aming pagiging tauspusong nagpapasalamat.”
Tungkol sa TGC Ang Taberna Group of Companies ay binubuo ng Ka Tunying’s Restaurants, Kumbachero Food Corporation, Taste of the Town Catering, at Outbox Media Powerhouse Corporation—mga negosyong pinagbubuklod ng iisang layunin: ang maglingkod nang may puso, husay, at pasasalamat.
Kilalanin pa ang iba’t ibang kompanya sa ilalim ng TGC sa kanilang mga social media pages.

