
SA panahong ito na parang nahahati ang mga pinoy sa pagkukuwenta kung alin ang tama at alin ang mali lalo na sa usaping pambansa, pulitikal na usapin man o hindi…sa ating sariling opinyon batay sa ating pagmamasid…marami pa rin sa mga pilipino ang may malaking kakulangan sa kanilang kamulatan tungkol sa pagtitimbang kung alin ang totoo at hindi, ang tunay at ang nangliligaw lamang, at ang totoong balita na may tunay na nilalaman at ang fake news o ang mga impormasyon na walang katotohanan ang nilalaman.
Sa panahong ito na gising na ang mga mamamayan at halos lahat ay may access na sa mga impormasyon at balita dulot ng mga makabagong gadgets at internet at mga iba’t ibang media platforms sa social media, akala ng inyong lingkod ay nakawala na tayo sa lumang istilo ng pagsala sa kung alin ang totoong balita at alin ang tsismis.
Na ngayon ay hindi na tayo gaya ng dati na kung ano lamang ang ating naririnig na ibinabalita ng mga anchor o reporter sa radyo at telebisyon at nababasa sa mga pahayagan ay iyon na agad ang pinaniniwalaan at sinasabing si ganito pala ay ganyan at nabasa ko sa dyaryo na dalawa pala ang kabit ni Mayor etcetera, etcetera…
At ngayon na ang bawat isyu ay naibabalita ng mainstream media at gayundin sa mga online news website, bukod pa ang mga podcast at mga facebook posts at youtube channels ng mga sikat at hindi sikat na mga vloggers, kung mahina-hina ang common sense mo o pag-unawa sa mga lumalabas na isyu ay maari kang maligaw o malito sa kung alin ba sa mga lumalabas na balita ang genuine at totoo.
Okay, ganito po kasi yan…halimbawa itong sa isyu ng banggaan ngayon ng Chinese Embassy at ng ilan sa ating mga mambabatas na ang pakiramdam sa pag-alma ng Chinese Embassy sa ginawa ni Philippine Coast Guard spokesperson Jay Tarriela na anila ay malinaw na pambabastos sa kanilang lider ng bansa na hindi dapat ginagawa lalo na ng isang kawal ng pamahalaan na may mataas na ranggo.
Nag-retaliate ang Chinese Embassy kay Tarriela dahil para sa kanila ay below the belt ang ginawa nito sa kanilang pangulo at sa halip na basta kampihan si Tarriela, ang dapat na ginawa nila ay kinausap nila ang PCG spokesperson at pinagpaliwanag sa nangyari para malaman nila kung ano ang puno’t dulo ng naging palitan ng maiinit na salita.
Eh ang nangyari, mukhang naligaw sila sa isyu at itong ilang mga mambabatas ay biglang ang tungkol sa panggigipit umano ng China sa West Philippine Sea ang sinakyan na isyu na para bang ang ginawa ni Tarriela ay may kinalaman sa isyung yun at hindi ang tungkol sa ginawa nito sa Chinese leader.
Tsk tsk tsk…at hindi lang yan…isa lang ‘yan.
Napakaraming isyu dito sa ating bansa ngayon na masyadong naililihis sa katotohanan dahil sa dami ng mga gustong magbigay ng impormasyon at makihalo sa pinag-uusapan.
Ang mga diplomatiko mula sa ibang bansa na may mga embahada dito sa Pilipinas ay nag-courtesy call lahat yan sa ating pangulo kaya dapat ay irespeto sila ng lahat ng mga opisyal ng ating gobyerno at daanin sa maayos na pakikipag-usap ang anumang mga isyu na hindi napagkakasunduan.
Sa pangyayaring tulad niyan, sino ba ang nagiging mas katawa-tawa?
Kaya ang payo natin sa ating mga kababayan ay ‘wag munang paniniwalaan agad ang mga impormasyon na nababasa, napapanood natin sa social media.
Wala nang sigurado ngayon.
Lahat ay madali nang baligtarin…depende sa kung ano ang gusto nating paniwalaan at kung saang panig tayo nakatindig.
Mas mabuting maging mapanuri at mapagmasid tayo at pakiramdaman kung alin ba ang totoo at alin ba ang makakabuti at makakasama sa atin sakali at makisawsaw tayo sa isyu.
Napunta na pati bigla kay Tarriela at sa mga Tsino yung isyu at bahagyang natakpan yung tungkol sa anomalya sa flood control projects.
Kaya hinay-hinay lang po…gaya nung kay Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. grabe agad ang naging paghusga ng mga tao sa kanya dahil durog na durog agad siya sa mga bashers at sa mga kulang sa tamang mga impormasyon na lumabas na balita kaya hindi pa nahahatulan ay galit na agad ang mga tao at ang tingin sa kanya ay ganoon na lamang.
Sa tingin ba ninyo ay naibigay sa kanya ang sinasabi at hinahanap niya na due process o hindi?
O, ayan….yun impeachment issue kay VP Sara…hayyysss!!!
Think before you click!
