
INANUSYO ngayon ni Supreme Court Associate Justice at Bar chairperson Amy Lazaro-Javier ang naging resulta ng 2025 Bar examinations kung saan nakapasa ang 5,594 examinees mula sa kabuuang 11, 420 law graduates na kumuha ng pagsusulit na isinagawa noong Setyembre 7, 10 at 14 at ginanap sa 14 na testing centers sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ang bilang na ito ng mga nakapasa sa Bar exams ay katumbas ng 48.98 percent mula sa kabuuang 11, 420 na nakasulit sa itinakdang eksaminasyon noong Setyembre mula naman sa kabuuang 13,193 registered applicants.
“Every answer was scored depending on accuracy, clarity, conciseness, logic, and grammar,” pahayag ni Justice Lazaro at sinabi rin niya na inaprubahan ng Supreme Court ang 75% passing grade para sa lahat ng nag-take ng exams.
Pinangunahan ni Jhenroniel Rhey Timola Sanchez ng University of the Philippines na may markang 92.70% ang talaan ng sampung Bar Topnothcers na naguna sa mga nakapasa sa pagsusulit kasunod sina 2. Spinel Albert Allauigan Declaro, University of Santo Tomas-Manila – 92.46%,3. Alaiza Agatep Adviento, University of Santo Tomas-Manila – 91.91% , 4. Angelica de Castro Mitra, De La Salle-Lipa – 91.68%, 5. Marc Angelo Galvez Santos, University of Santo Tomas-Manila – 91.58%, 6.Jeowy Loyloy Ompad, University of San Jose-Recoletos – 91.25% at Enrico Gabriel Reyes Paguia, Ateneo de Manila University – 91.2%, 7. Johan Raphael Silapan Gata, University of Santo Tomas-Manila – 90.90%, 8.Marie Shantelle Atienza Sarmiento, University of the Philippines – 90.87%, 9.Richmond Bulan Lucas, University of La Salette, Inc – 90.45%, 10.Jusmin Teriann Afable Yap, University of the Philippines – 90.36%
