
DIRETSO sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City ang pinay death row convict na si Mary Jane Veloso sa oras na dumating na siya dito sa bansa, ayon kay Bureau of Corrections (Bucor Director General Gregorio Catapang Jr.
Si Veloso na nadetine sa loob ng 14 na taon sa bansang Indonesia dahil sa kaso na may kinalaman sa iligal na droga noong taong 2010 ay inaasahang darating bukas sa Pilipinas araw ng Miyerkules.
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na makakarating ng walang anumang aberya si Veloso dakong alas-6 ng umaga ng Miyerkules eksaktong ilang araw bago sumapit ang araw ng kapaskuhan.
Siya ay nakatakdang sumailalimsa quarantine sa loob ng limang araw at gayundin sa orientation at security evaluation sa loob ng 55 araw.
Si Veloso ay umapela kay Pangulong Ferdinand ” Bongbong ” Marcos Jr.upang magawaran ng clemency at kasunod ang kasunduan na siya ay makabalik na dito sa ating bansa.