

PARA kay Batangas Governor Vilma Santos Recto ay napakabilis ng pag-usad ng panahon. Sumapit na kasi ang 33rd Anniversary ng pagiging mag-asawa nila ni Senator Ralph Recto. Magkatuwang nilang iningatan ang kanilang pagmamahalan, na nabiyayaan ng nag-iisang anak, si Congressman Ryan Santos Recto.
Parang suntok sa buwan ang dinaanang buhay ni Governor Vi tungkol sa pagmamahalan nila ni Senator Ralph, dahil panahon iyon ng paglimot ng Star for All Seasons sa naging malungkot na hiwalayan nila ng kanyang unang pinakasalan, si Edu Manzano na ang naging anak nila ay si Luis Manzano.
Hindi nagpaapekto si Gov. Vi sa pagpapatuloy ng mga intriga sa kanilang pagsasama. Nanunungkulan na siya bilang Mayor ng Lipa City noon, ay patuloy na umiikot ang intriga sa showbiz, na diumano’y may ibang babae si Sen. Ralph na ibinabahay, pero pakitang-tao, umano’y sa house nila ni Gov. Vi umuuwi si Sen. Recto. Matibay niyang hamon noon sa mga nagpapakalat ng intriga ay patunayan nila na nagtataksil ang daddy ni Congressman Ryan. Wala naman silang napatunayan.
Hinayaan lang ni Gov. Vi ang mga ganung intriga. Hanggang sa tuluyan nang unti-unti ay kusang nawala ang mapanirang intriga.
Hindi puwedeng kuwestiyonin ang naging mga sakripisyo ni Gov. Vi para sa pamilyang binuo nila ni Sen. Ralph. Handa siya noon maghinay-hinay sa pag-aartista. Sa katunayan, para mabigyan ng anak si Sen. Recto ay inihinto na ni Gov. Vi ang pagsasayaw niya noon sa musical variety show niyang “Vilma!” sa GMA-7 hanggang sa ihinto na lang ang show.
Sa mga dumating at patuloy na inaaning tagumpay ngayon ni Gov. Vi ay itinuturing niyang inspirasyon ang kanyang masaya at buong pamilya.
SYLVIA SANCHEZ, PALABAN BILANG MOVIE PRODUCER


Sa hanay ng mga pelikulang kasali sa MMFF 2025 ay kakaiba ang tema ng pelikulang “I’mPerfect” na magugustuhan ng mga manonood, dahil sa kakaibang drama at kuwento nito tungkol sa mga bagets na may Down Syndrome, na pinagbibidahan nina Earl Amaba and Krystel Go written and directed by Sigrid Andrea P. Bernardo.
Kakaiba ang level ng pagiging movie producer ni Sylvia kumpara sa hanay ng mga naglipanang movie producers sa showbiz, na patuloy na nagpoprodyus ng nga pelikulang gusto lang nilang iprodyus para mapansin at magkapangalan sila sa showbiz kahit ang mga pelikula nila ay hindi kumikita sa takilya.
Nasa layunin ni Sylvia na makapaghandog ng mga kakaibang pelikula na maihahandog ng Nathan Sudios sa masa. Sa katunayan ay bumibili sila ng mga foreign films at ipinapalabas dito sa Pilipinas. Naging matagumpay sa Metro Manila Film Festival 2024 ang pelikulang “Topakk” ng Nathan Studios.
Ngayon naman, pinagbuhusan ng panahon ng Nathan Studios ang isang bagong pelikula na bumilang ng ilang taon ang paghahanda, na sa kalaunan ay naisakatupan ng kumpanya ni Sylvia ang pagsasapelikula. Ito ay ang “I’mPerfect” showing mula December 25, 2025.
Sa hanay ng mga pelikulang kasali sa MMFF 2025 ay kakaiba ang tema ng pelikulang “I’mPerfect” na magugustuhan ng mga manonood, dahil sa kakaibang drama at kuwento nito tungkol sa mga bagets na may Down Syndrome, na pinagbibidahan nina Earl Amaba and Krystel Go written and directed by Sigrid Andrea P. Bernardo.

