
WAGI si Vice President Sara Duterte ngayong araw ng Biyernes (July 25, 2025 matapos na ideklarang unconstitutional ng Supreme Court ang inihaing Impeachment complaint ng House of Representatives laban sa kanya.
Matatandaan na noong Pebrero ng taong ito ay sinampahan ng kasong impeachment ng Kamara si VP Duterte dahil sa umano’y paglustay o maling paggamit ng public funds kabilang din ang diumano’y pagbabanta nito sa buhay ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr, First Lady Liza Araneta Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
Batay sa naging hatol ng Korte Suprema, unanimous o majority ng mga mahistrado ng kataas-taasang hukuman ang umayon sa naging desisyon dahil ang naturang impeachment complaint umano ay unconstitutional dahil nilabag nito ang constitutional safeguard kontra sa isang impeachment proceeding lamang sa isang opisyal ng pamahalaan sa loob ng isang taon.
“The articles of impeachment, which was the fourth complaint, violated the one year period ban because there were three complaints that came ahead of it,” pahayag ni Supreme Court spokesperson Camille Ting sa isinagawang press briefing kanina.
Dahil dito ay walang awtoridad upang mag-convene bilang isang impeachment tribunal ang Senado.
Nilinaw naman sa naging desisyon na kapag nag-expired na ang one year ban ay maari namang muling mag-file ng panibagong impeachment complaint laban sa bise-presidente kung mayroon man.